NAKATANAW SI FAITH kay Danica habang abala ito sa pakikipaglaro sa mga bata. Ilang raw na nang malaman niyang kapatid niya ito sa papa niya at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin maaalis ang ngiti sa mga labi niya. Sino ba naman ang mag-aakala na may kinilaman pala sila sa isa't-isa? Kaya pala ang lambot ng puso niya sa bata dahil kapatid niya pala ito. Kaya ngayong alam na niyang kapatid niya ito, hindi na niya hahayaang makuha ito ng mga umampon sa kanila na tiya at tiyo pa mismo ni Danica. Gagawin niya ang lahat hindi lang makuha si Danica sa mga kamay niya. Hindi pa rin pala alam ni Danica na magkapatid sila. Wala siyang ideya kung bakit hindi niya pa sinasabi pero sa susunod pa at hindi ngayon. Baka mabigla niya ang bata, baka bigla na lang ulit itong maglayas katulad ng ginawa nito