JANEL HALENE SYJUCO-SANDOVAL __ Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Ramdam ko ang kamay ng anak ko na nakapatong sa mukha ko. Marahan ko iyong tinanggal habang unti-unting nabubuo ang ngiti sa mga labi ko nang makita ito. I kissed her cheek at tiningnan ko naman ang mag-ama sa kabilang side. Nakapaibabaw na naman si Kingston sa kaniya at nakasandig sa dibdib niya. Hindi ko maipaliwanag ang saya sa dibdib ko sa tuwing nakikita ko silang tatlo. Bumiling sa direksyon ko si Kingston at lalo akong napangiti nang makita kong nakamulat ang mga mata nito at nakatingin sa akin. Kinurap-kurap niya pa ang mgagandang mga mata niya. "My..." "You're waking up early, hmm?" Marahan akong bumangon mula sa ibabaw ng bed at maingat ko siyang kinuha mula sa ibabaw ng daddy niya na noon ay mahimbi