HELIX JACE SYJUCO __ Sinundo ko si Kal sa bahay nila at parehas kaming nagpaalam kay Roro. Bumyahe kami papunta sa isang island nila. It was a private place at walang tao bukod sa aming dalawa. I helped her find shells. Hilig niya kasi iyon simula pa noon. Nang marami na kaming nakuha, pumasok na kami sa loob ng gubat. Naghanap kami ng magandang puwesto at nagtayo na agad kami ng malaking tent. Ginagawa namin iyon noon kasama ang mga mga pinsan niya at si Kurseiv. Minsan ay naisasama namin si King, depende sa mood nito. Hilig namin ang mag-camping at magkantahan. May katagalan ding i-set up ang tent. Tinawag ko muna siya para magpahinga pero sa halip na maupo ay marahan ko siyang isinayaw kahit walang tugtog. Gusto kong malusaw sa magandang ngiting iyon. That was the most beautif