ZAVANA KALSEY SANDOVAL __ "Can you slow down, please? My feet hurt..." mahinang sambit ko habang patuloy pa rin sa pagsunod rito. Huminto ito at inilawan ang paanan ko. "Nasaan ang tsinelas mo?" "Tina-- I mean... n-nawawala," mahina pa ring sambit ko. Hindi ito sumagot at nanatiling nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam na naman ako ng discomfort. Pakiramdam ko ay nalulusaw na ako sa mga matang iyon. "Anong ginagwa mo sa lugar na ito?" "I'm sorry... kung umalis ako without telling anyone. I just—I just wanted to unwind." Sa palagay ko professional na ako sa pagsisinungaling pagbalik ko sa bahay nina mom and dad. "Sino ka at anong pakay mo rito?" Muli akong napalunok. I guess, iba ang tinutukoy nito sa naging unang tanong. Nagsimula na namang kumabog ang dibdi