ZAVANA KALSEY SANDOVAL's POV
__
"Hija, bawas-bawasan mo kape, ha?" pabirong sambit ni tatay Lucio habang ginagamot ni Manang Loring ang mga galos ko.
I knew I was really clumsy especially when under pressure, pero hindi pa ako napahamak nang ganoon sa buong buhay ko. If mom and dad see that, siguradong magpa-panic na sila at tatawagan na lahat ng doctor na kikilala nila.
"Baka sa susunod ay malaglag ka na sa bundok."
Masakit ang ulo ko dahil tila nadagdagan pa ang sugat ko roon. Masakit din ang balakang ko dahil sa pagkakabagsak.
"Siya, iwan ko na muna kayo. Mag-iigib lang ako ng tubig at kukuha na rin ako ng mga panggatong. Roro, bantayan niyo ng kuya mo ang ate mo. Baka mabawasan nang tuluyan ang ganda, sayang naman."
Pinilit ko pa ring ngumiti kay tatay Lucio. "Ingat po kayo."
"Ate ganda, tutulungan ko lang si Kuya ko na magluto ng pagkain, okay?"
I nodded and smiled at him. "Go..."
Bumaling din ako kay Manang Loring nang makalayo ito. Hindi ko alam kung anong halamang gamot ang pinapahid niya sa mga sugat ko. Hinayaan ko na lang siya dahil mukhang effective naman ang mga iyon.
"Mag-iingat ka, hija. Napaka-ganda pa naman ng balat mo. Ngayon lang ako nakakita ng babeng ganito kakinis at kaputi. Taga-Maynila ka siguro ano?"
Napalunok ako. Hindi ko iyon gustong konpirmahin.
Tinigil nito ang ginagawa at tiningnan ang tainga ko. Bahagya itong lumapit sa akin para abutin iyon.
"Ginto ba iyan?"
Agad akong napahawak sa hikaw ko. Bahagya akong lumayo sa kanya dahil mukhang pinag-aaralan niya na iyong mabuti.
"Mayaman ka ba?" diretsang tanong nito.
I also didn't want to admit that. Lagi ko rin kasing sinasabi sa sarili kong mayaman ang mga magulang ko, but not me. I had nothing to prove.
"Alam mo bang... galit sila sa mayayaman rito?"
Muli akong napalunok sa sinabi ni Manang Loring. "B-bakit ho?"
"Eh kasi... halos dalawampung taon na ang nakakalipas, may nangyaring m******e. Daang-daang tao ang namatay."
Hindi ko alam kung bakit bigla akong naing interesado sa kwento nito. Alam kong may kwento ang barrio nila, but I wanted to know more.
"Utos iyon ng isang kongerista na pilit kaming pinapalayas sa dati naming tinitirhan. Nagmatigas kami dahil dahil pinaglalaban namin ang karapatan namin sa lupa pero ang kapalit, nawala ang mga mahal namin sa buhay."
Nakaramdam agad ako ng lungkot sa dibdib ko. I admit na masyadong mababaw ang luha ko. I always sympathize with people. Isa pa, mukhang bagong-bago pa iyon sa isip ni Manang Loring kahit mahabang taon na ang nakakalipas.
"Nagtagumpay pa rin silang kuhanin ang lupa na ngayon ay isa nang malaking hotel. Namatay ang mga anak ko pati na rin ang asawa ko. Maraming namatay. Halos walang natira sa amin. Binomba nila kami na parang mga hayop lang. Ang masakit pa... walang nanagot sa malawakang pagpatay na iyon. Pinalabas nilang isang aksideng pagsabog ang nangyari. Kinailangan naming magtago dahil alam naming hindi sila titigil hanggang sa hindi kami nauubos. Nabuo kami sa isang grupo at nahanap namin itong lugar na ito. Sabay-sabay naming kinamuhian ang mga mayayamng suwapang sa salapi at kapangyarihan."
"H-Hindi naman ho siguro lahat ng mayaman... katulad nila."
"Hindi, hija. Walang kasiyahan ang mayayaman. Wala silang pakialam sa mga taong mas mababa ang uri sa kanila. Kukuhanin nila kung ano ang gusto nila. Napatunayan namin iyan sa maraming beses at habang-buhay namin silang kamumuhian."
I again gulped something down my throat. Agad kong inatras ang paa ko sa ilalim ng upuan dahil alam kong hindi biro ang halaga ng tsinelas na suot kahit hindi naman ako ang personal na bumili no'n. Simple ko ring hinarang ang buhok ko sa hikaw na suot ko.
"Patingin nga ulit ako ng hikaw—"
"Ahh..." agad akong umiwas rito. "Peke po ito."
"Hindi, mukhang mamahalin—"
"Hindi ho. M-marami hong ganito sa Maynila. M-mukha lang pong totoong ginto."
Bahagya itong ngumiti sa akin. "Sabi ko na nga at taga-Maynila ka."
"H-Hindi ho. Taga-Cebu ho ako. Nag... nagtatrabaho lang ho ako sa Maynila."
We consider our hacienda there as our second home kaya iyon na lang ang sinabi ko dahil mukhang may misinformation sila tungkol sa mga taong nakatira sa Maynila.
"Ah, ganoon ba? Mabuti pala at nagkakilala kayo ni Trey. Akala ko ay wala nang planong mag-nobya ang batang iyon."
Pilit akong ngumiti rito. "Uhm... tungkol po sa patakaran niyo rito... ano hong ginagawa niyo sa mga taong h-hindi taga-rito?"
"Ikinukulong. Pinapaamin kung anong pakay nila. Isang beses kasi, napasok kami rito. Nagmamasid, siguro ay para paalisin kami o sirain ang lugar na ito. Wala na kaming balita kung anong ginagawa sa kanila ni Densio at ng mga tauhan niya pagkatapos silang bugbugin."
"S-Sino ho ba si Densio? B-bakit po sinunuod siya ng lahat ng taga-rito?"
"Siya ang lider namin dito. Simula't sapul siya ang nakikipaglaban sa mga mapang-aping mayayaman at siya ang naghihiganti para sa amin. Biktima rin siya ng pambobomba noon. Halos masunog nga ang buong katawan niya. Mukha niya lang ang hindi."
Muli akong napunok. Kung sino man ang gumawa sa kanila no'n, sigurado akong wala silang puso.
"Buti nga at pumayag siyang tumuloy ka rito. Anak kasi si Trey noong naunang lider namin sa dati naming tinitirhan. Magkompare sila kaya siguro kahit nobya ka pa lang ay pumayag na siya."
"May... iba na po bang hindi taga-rito?"
"Oo, mga asawa ng mga taga-rito. Kaya lang, bawal na silang lumabas-labas. Kung pipiliin nilang manatili, dito lang dapat sila maninirahan at kung hindi, dapat na silang umalis rito at hindi na dapat bumalik pa."
"Bakit ho?"
"Para maprotektahan ang mga kasamahan namin rito. Marami kasing nagkaka-interes dito sa lugar. Isa pa..." Bahagya itong lumapit sa akin para bumulong. "Maraming humahanap kay Densio. Marami na daw kasi siyang pinatay na mayayaman at politiko."
Muli akong sunod-sunod na napalunok. I couldn't imagine that.
"May mga ilan ding bigla na lang nawawala rito lalo na ang mga lumalabag sa patakaran kaya mag-iingat ka lagi."
Kusang mabilis na tumango ang ulo ko. I really didn't know na ganoong klaseng lugar ang mapupuntahan ko pero kung ano mang kwento ang meron sa kanila para maging takot sa ibang tao... it was worth knowing.
"Ate ganda," tawag sa akin ni Roro at pumwesto sa harapan ko. "Ayos ka na po ba?"
Muli akong ngmuiti rito. "Ayos lang."
"Kumain ka na po," anito at hinawakan ang kamay ko.
"Siya, kumain ka na, hija. Iiwan ko na ang mga halamang gamot dito at tawagin mo lang ako kapag hindi mo kayang maglagay sa sarili mo. Diyan lang ang bahay ko sa kabila."
"Salamat po, Manang Loring."
"Salamat, Manang Loring. Sabi po ni tatay Lucio mag-ingat kayo pag-uwi at mahal na mahal ka niya."
"Ikaw ngang bata ka eh tumigl-tigil. Sabihin mo sa tatay mong panot ay hindi siya ang tipo ko."
Napatawa na lang ako nang mahina sa mga ito. Hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ko sa kanila kahit ilang araw pa lang ako roon.
Hinayan kong hilahin ni Roro ang kamay ko papunta sa kusina. May mga pagkain ng nakahain sa mesa. Karamihan sa mga iyon ay nilagang talbos, kamatis at kamote.
"Thank you, Roro," nakangiting sambit ko rito nang ipaghila niya ako ng upuan.
Sinundan ko naman ng tingin ang lalaking may dalang palayok. Nagdala ito ng mainit na sabaw sa ibabaw ng mesa bago umupo sa silya niya.
Akmang kukuha na ng pagkain si Roro pero nagsalita ako.
"P'wede bang magdasal muna tayo?"
"Hmm, para saan po? Hindi naman po totoo si Lord eh."
Sandali akong natigilan. I wasn't expecting to hear that from a young kid.
"W-Who said that?"
Tinuro nito ang lalaking nasa dulo ng mesa. Napatingin rin ako rito.
"Kasi 'di ba po kung totoo na may Lord sa taas hindi niya kukunin lahat sa amin at tsaka kung love niya tayong lahat bakit po may mas masaya at may mga taong hinayaan niya lang maging malungkot? Hindi naman po 'yun fair, 'di ba?"
Hindi ko inalis ang tingin rito. I believe may mga taong sadyang pinanganak na madamot sa emosyon just like my siblings, pero sa kanya, naniniwala ako na may dahilan kung bakit siya nagtatago.
Hindi na ako umimik pa. Nagdasal na lang ako nang tahimik bago kumuha ng pagkain.
"Ate ganda, tikman mo po 'yung sabaw na ginawa ni kuya."
Kumuha ako ng maliit na bowl at sinalinan iyon ng sa tingin ko ay mushroom soup. It looked plain and simple, but I wouldn't judge the book by its cover.
Hinipan ko ang sabaw bago ko dinala sa bibig ko.
In fairness... It tasted good.
"Ate ganda," muling tawag nito sa akin. "'Di ba po boypren mo si kuya?"
Sandali akong napatigil at sumulyap sa direksyon nito. Tahimik lang itong kumakain.
Alanganin akong ngumiti kay Roro. "Hmm-hmm..."
"Bakit po magkahiwalay pa kayo ng upuan? Magkaaway ba kayo?"
"O-Of course not..." Wala sa loob na tumayo ako at nilapit ang silya ko rito. Kinuha ko rin palapit ang pagkain ko pagkatapos ay sumandok ako ng sabaw sa bowl at dinala malapit sa bibig nito.
Huminto ito a tiningnan ang kutsara bago tumingin sa mga mata ko. I just raised an ebebrow at him and gave him a fake smile.
"Ah..."
That was so silly and cheesy. He didn't take his eyes off me nang buksan ang bibig para hayaan akong isubo iyon sa kanya. I just again gave him a fake smile.
Narinig ko naman agad ang malakas na pagbungisngis ng batang makulit. "Ate ganda, pag laki ko ba p'wede na rin kitang ligawan?"
I smiled genuinely at him. "Let's see."
I acted like a girlfriend the whole lunch. Masyadong maraming tanong si Roro, but I still found it so adorable. Na-miss ko tuloy bigla si Karsyn. Siguradong hinahanap na ako no'n at nami-miss na rin ako.
He was so innocent, yet witty. Naiinggit ito kaya naman lumapit din ako sa kanya para subuan siya ng soup.
"P'wede bang maging totoong ate na kita?"
I chuckled at pinunasan ang gilid ng labi niya. "Wala pong problema doon, sir. Kung saan ka masaya."
Pagkatapos ng lunch, napansin kong lumabas ng bakuran si Trey.
"Saan daw siya pupunta?" tanong ko kay Roro na tinutulungan kong mag-ayos ng mga nakakalat na bato sa isang gilid.
"'Di ba girlpren ka niya? 'Di ba dapat alam mo po kung saan siya pupunta? 'Di ba dapat nagpapaalam siya sa'yo?" Tumayo ito mula pagkakaupo at tumindig sa harapan ko. "Ako na lang kaya boypren mo? Magpapalam ako sa'yo lagi kapag maglalaro na ako."
Napatawa ako nang mahina rito at marahang pinisil ang pisngi niya. "You know what? You're so cute. Hayaan mo, sa susunod na hindi siya magpaalam lagot na talaga siya sa akin."
"Ang sabi niya po tutulungan niyang mangahoy at mag-igib ng tubig si tatay. Sigurado hahanap na rin po sila ng pagkain para mamayang gabi."
"Araw-araw nila iyon ginawa?"
Marahan itong tumango.
"Pumapasok ka ba sa school?"
Umuling ito. "Malayo po 'yung school dito eh."
"Pero gusto mong pumasok sa school?"
"Opo!" anito na kumikislap ang mga mata. "Gusto ko mag-aral at maging piloto!"
"Really? Piloto ang kapat—" Immediately stopped when I realized na nag-o-overshare na ako. "I mean... marami akong nakikitang pilot sa trabaho ko noon."
"Sa eroplano ka po nagtatrabaho?" hindi makapaniwalang tanong nito.
I smiled at him and nodded. "Hmm-hmm"
"Wow! Malaki po ba ang eroplano?" Binuka nito ang mga braso sa ere. "Mga one million million pong ganito?"
Muli akong tumawa nang mahina. "Not really."
Pagkatapos namin sa mga gawaing bahay, nagpaalam siya sa akin na maglalaro lang siya at huwag ko raw sasabihin sa kuya niya at kay tatay Lucio dahil nagbilin ito sa kanya na manatili lang sa bahay para alagaan ako.
I just let him. Bata pa siya. He should enjoy playing with his friends. Inayos ko ang mga gamit ko. Naalala ko ang sinabi ni Manang Loring kaya naman nag-panic na naman ako.
I thought of disposing all the expensive things na meron ako dahil kapag nakita nila ang mga iyon, baka maging dahilan pa ng katapusan ko.
Sinukbit ko ang backpack ko sa balikat ko at nagmadali rin ako agad na umalis para makabalik din ako agad bago pa makauwi ang mga ito.
Pilit kong itinago ang mukha ko sa bawat tao roong makakasalubong ko. I didn't know what was wrong with them. Parati na lang lumilingon sa akin ang mga ito. Siguro ay talagang nakikilala nila lahat ng hindi naman talaga Taga roon.
Hindi ako sigurado sa daang pupuntahan ko. I was just looking for a place kung saan ko p'wedeng itapon ang mga iyon. Sa bawat daanan ko, I made sure na mag-iwan ako ng kahit isang maliit na kahoy na palatandaan para masigurong makakauwi ako.
I didn't even notice na malayo na ang nararating ko. I just stopped nang makarating na ako sa gawing tuktok.
Binuklat ko agad ang loob ng bag ko at tiningnan isa-isa ang mga p'wede ko pang itabi.
Halos designers ang mga iyon that I started throwing away. Nanghihinayang ako sa mga iyon because most of it ay mga paborito ko from my favorite brands din.
I thought of keeping some, and I tried to remember their prices.
"Nine thousand... should I keep this? Would they still notice the brand?" tanong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang isang blusa roon. "Ugh!"
I ended up throwing that away too. Nakakita ako ng isang plain shirt so I decided to remove my clothes at tinapon iyon because it was expensive too. Nagpalit na lang ako ng damit.
Mabigat man sa dibdib ko, tinapon ko na rin ang ilang accessories ko including my earrings na from what I know higit sa isang daang libo ang halaga. I also threw away my rings and other gadgets except my phone and my smartwatch. Naalala ko lang na gustong-gustong iyon ni Roro.
Napahawak ako sa suot kong kwintas. Matagal ko iyong tingnan. I knew it was also expensive dahil galling iyon kay Helix pero hindi ko nagawang itapon iyon. He would be so damn mad. Siguradong magtatampo iyon pag-uwi ko. Isa pa, I was always comfortable wearing it every day. Pakiramdam ko kasama ko na rin siya.
"And this bag..." I just heaved a deep sigh bago ko iyon ihagis. Kinuha ko rin ang tsinelas ko at namaalalam na sa mga iyon bago ko ihagis. "I felt bad after throwing almost all my stuff nang ganoon na lang. Inisip ko na lang na kailangan ko iyong gawin kung gusto ko pang makalabas ng buhay sa barrio nila. Hindi rin dapat malaman nit Trey o ni tatay Lucio ang estado ng buhay ko. Pakiramdam ko, malalim ang galit nila and I should take it seriously.
I had the option to leave, but I wouldn't. Mananatili ako sa lugar nila and would live like them.
Nagdesisyon din ako agad na umuwi pero nang nasa-kalagitnaan na ako, hindi ko na alam kung saan ako dapat dadaan. Marami nang nalaglag na sanga at hindi ko na maalala kung dapat akong kumanan o kumaliwa.
I bit my lower lips it took me more than five minutes before I was able to deice. Hindi ako sigurado pero pinili kong kumanan.
Ilang beses akong umikot sa lugar hanggang sa hindi ko na alam kung nasaan ako. I started getting worried and nervous nang magsimula na ring lumubog ang araw. Hindi ko man lang namalayan ang ganoon na pala ako katagal nag-iikot doon.
I still tried to recall kung saan ako dumaan pero halos magkakamukha ang daan doon. Wala akong ibang nakiktia kung hindi ang mga d**o o puno.
Nabalot na ng takot ang buong katawan ko nang tuluyan na ngang dumilim ang paligid. Marami akong narinig na kung ano-anong hayop at kung ano-ano na rin dumadapo sa katawan ko na lalo pang naging dahil ng pagpa-panic ko.
I kept walking and running.
I was so desperate to call for anyone dahil hindi ko na kayang magtagal pa sa lugar na iyon sa ilang pang oras.
"Tatay Lucio!" I called. "Trey! Roro!"
Wala akong naringin na sagot kung hindi ang tunog ng paniki sa lugar. Hindi ako tumigil sa paghakbang kahit pa sumasakit na ang mga talampakan ko. I regretted na tinapon ko rin ang tsinelas ko.
I kep calling their names na hindi ko namalalyan na namumuo na ang luha sa mga mata ko.
"Tatay Lucio! Roro! Trey! I'm lost! Help me, please!"
You stipid... bulong ko sa sarili ko habang pinupunsan ang luhag naglalaglag sa pisngi ko. I was just scared. Baka may ahas... baka may multo, o baka may mabangis na hayop doon. I couldn't stop thinking.
Huminto ako sa isang malaking putol na puno at napaiyak na lang ako roon.
"You're really stupid Kalsey..." I whispered to myself.
I never felt that scared for my whole life. Akala ko kaya ko ang mga ganoong bagay, but I was swrong...
Agad kong pinunasan ang luha ko nang mapansin ko ang ilaw na dumaan sa mukha ko. Agad akong tumayo at snundan ko kung saan nanggagaling ang flashlight na iyon.
"Tatay Lucio? Roro! Trey!" muling sigaw ko.
Umaasa akong hahanapin nila ako kahit hindi naman talaga nila ako kamag-anak.
Mabilis akong humkbang para sundan ang ilaw. Nagkakandarapa pa ako, but I didn't mind. Paulit-ulit pa rin akong tumayo mahabol lang ang pinaggalingan ng ilaw.
Pilit ko iyong sinundan ng tingin. Pakiramdam ko ay may kalayuan pa ito. Napahinto lang ako nang bigla na lang iyong mamatay.
Hindi ko napigilan ang paninikip ng dibdib ko. Baka hindi niya ako narinig... baka tuluyan nang nakalayo kung sino man iyon.
Nagsisimula na namang mamuo ang mga luha ko and I felt so hopelessly.
Nagpatigil din ako agad nang biglang lumiwanag ang harapan ko. My heart started jumping in happiness nang makita ko ang malalamig na mga matang iyon.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatingin lang sa kanya.
"Kanina pa kita hinahanap," he said.
I suddenly felt like... I was safe. It felt good na nawala lahat ng takot sa isang iglap lang.
Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko at hindi ko napigilan ang sarili kong lumapit rito.
Mahigpit akong yumakap sa kanya.
"Trey..."