Chapter 5

1985 Words
ZAVANA KALSEY SANDOVAL __ Halos mapaiktad ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng silid na gawa sa pinagsamang kahoy at yero. Nagsimulang mamawis ang mga kamay ko nang muling nagtagpo ang mga mata namin nito. Hindi ko nakalimutan ang sinabi niya kanina. Pakiramdam ko ay tuluyan nang kumabog nang malakas ang dibbib ko nang hubarin nito ang suot na damit pang-itaas. I was so damn worried na tototohanin nga nito ang sinabi niya kanina. I didn't mind kung marami itong bukol doon. Naging sunod-sunod ang paglunok ko lalo pa nang magsimula na rin itong lumapit sa akin. Habang umiiksi ang distansya, kusang umaatras ang mga paa ko. I wanted to start praying dahil wala na akong iba pang mapupuntahan. My whole body was shaking nervously. Gusto ko pang umatras pero wala na akong aatrasan pa. Pakiramdam ko ay gusto ko na lang mawalan ng ulirat o maglaho na lang bigla nangt tuluyan itong makalapit. Halos siya na lang ang nakikita ko. His face... his broad chest. Pigil ang paghinga ko sa lalo pang paglapit nito sa akin. He was getting so... so close that I could smell his natural scent. My panic level went up beyond one hundred percent when he started to unbuckle his belt. I couldn't believe na nagtatanggal na talaga ito ng sinturon sa harapan ko. "W-what are you doing?" I asked, stuttering. Mabilis pa akong sumiksik sa likuran ko nang lumapit pa ito. Kahit ipilit ko, wala na talaga akong aatrasan pa. Napapikit agad ako at sinangga ang mga braso ko sa katawan ko. "Fine! Fine!" agad sambit ko. I'm sorry I lied. I'm sorry that I said that. I'm sorry that I'm here," sunod-sunod na sambit ko like it was the end of my life. "I really don't know anyone here. I'm really new here. I'm sorry. Don't hurt me, please." God knew how scared I was. I thought he would do something bad to me pero ilang minuto ang lumipas... wala akong narinig at hindi ko naramdaman ang mga kamay nito sa akin. Unti-unti kong minulat muli ang mga mata ko at nanginginig pa ring tumingin sa mga mata nito. He was just looking at me na walang kahit anong emosyon sa mga mata niya. "Tabi," casual na sambit nito. Hindi ko agad iyon na-proseso kusa na lang kumilos ang katawan ko na mabilis lumayo sa kanya. Halos mapasinghap ako nang makita kong binuksan nito ang lumang cabinet na sinandalan ko kanina. Kumuha ito ng damit doon at sinuot. Pakiramdam ko ay gusto ko na lang lumubog sa kahihiyan. Did I just admit na wala talaga akong kakilala sa lugar nila? Oh, god... that was stupid. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko habang nakatingin sa likuran nito. Nang akmang babaling na sa direksyon ko ay nagmadali akong tumalikod sa kanya at mabilis ang hakbang na lumabas ng silid na iyon na mahigpit na nakakapit sa tuwalyang nasa balikat ko. I was cursing myself to death sa bawat hakbang na iyon. "Oh, hija, ayos ka lang ba? Saan ka pupunta?" "M-maliligo po..." Mahina itong tumawa. "Ah, sa bilis ng lakad mo akala ko ay maglalayas ka na. Walang tubig sa harap ng pinto, hija. Nasa likod ng bahay." "A-Ah... ganoon ho ba?" "Halika at ituturo ko sa iyo." Sinundan ko si tatay na may hawak na gasera. Pinuntahan namin ang likod ng bahay nila. Mayroon doong isang maliit na kubli na hindi ko sigurado kung gawa saan. Ang sabi nito iyon ang banyo nila. There was nothing there bukod sa maliit na sabon at shampoo na nasa sachet. "Oh, kuhanin mo muna itong ilaw. Kukuhanan kita ng tubig." Pinanuod ko lang si tatay na buhatin ang mga timba papunta sa loob. Ang sabi niya sa ilog pa kinukuha ang tubig nila kaya kailangan ko iyong tipirin. Pumasok ako sa loob bitbit pa rin ang ilaw. Tiningnan ko ang paligid ko at ang buwan sa itaas na kitang-kita ko dahil wala naman iyong bubong. I was afraid to remove my clothes. It didn't feel comfortable, but after a few more minutes of thinking twice, I realized na wala naman akong option at ginusto ko naman talaga ang ganoong lugar so I better accept kung ano lang ang meron sila. I better accept the situation dahil ako naman ang nagdala sa sarili ko roon even how uncertain I was sa kung anong p'wedeng mangyari sa akin. I was still hesitant pero tinanggal ko na ang mga damit ko and started to take a bath. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina at napapasinghap pa rin ako sa tuwing maalala ko ang katangahan ko. Binilisan kong maligo dahil pakiramdam ko ay nasa isang horror movie ako or 'di kaya ay mystery thriller. Kasalukuyan kong inaabot ang tuwalya ko nang maramdaman kong may kung anong gumapang sa paanan ko. My whole body stiffened. Unti-unti kong binaba ang tingin ko and I almost lost my mind nang makitang... ahas iyon. Naging blanko ang isip ko sa ilang sandali at narinig ko na lang ang malakas kong pagtili. Mabilis kong hinablot ang tuwalya at binalot iyon sa katawan ko. Nagtatakbo ako kung saan kahit na hindi ko masyadong makita ang daan dahil naiwan ang gasera sa loob. Tila may kung anong humahabol sa dibdib ko sa bilis ng kabog. Muli akong malakas na napatili nang mabangga ako at makita ang mukha sa pagbaling ko. Tila nagulat din ito sa pagsigaw ko at halos mapaiktad at mabitiwan ang gaserang hawak. "Hija, ako lang 'to. Alam kong pangit ako pero baka puwedeng hindi mo naman ipahalata?" "Tatay Lucio..." agad smabit ko. I was relieved that it was just him. "P-pasensya na ho." "Anong problema? Bakit ka sumisigaw?" "K-kasi po... may-- may ahas na gumapang sa paa ko." Mahina itong tumawa. "Hindi na 'yan bago rito. Hayaan mo bukas ha-hunting-in ko sila. 'Wag kang matakot p'wede ka namang magpasama kay Trey," mapanuksong anito. Wala sa loob na napatingin ako sa direksyon nito. I could see him at the side of my eye. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam agad ako ng discomfort. I couldn't accept the fact that I embarrassed myself in front of him. Well, he couldn't blame me kung iniisip kong pagsasamantalahan niya ako. He made a statement that made me overthink. "Siya, magbihis ka na, hija. Baka lamigin ka. Magkatabi ba kayong matutulog ni Trey?" I could no longer process the thought na pinagkalandakan ko sa maraming tao na nobya niya ako pagkatapos ay matutulog pa ako sa iisang silid kasama niya? That would be too much to handle. Baka tuluyan nang sumabog ang isip ko. Bumaling ako kay tatay. "H-hindi ho, tatay Lu--" "Matutulog siya sa tabi ko." Mabilis akong muling napalingon sa direksyon nito nang hindi makapaniwala. Muli kong narinig ang mahinang pagtawa ni tatay Lucio. "Siya, ipapaala ko lang sa inyo na lumalangitngit ang papag. Dahan-dahan lang." Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Gusto ko na lang maglaho nang parang bula. Hindi ko na kinakaya pa mga bagay sa isip ko kaya nagmadali na akong humakbang papasok sa silid para magbihis. Hindi pa rin ako mapakali habang nakahiga ako sa ibabaw ng papag kung tawagin nila. I couldn't forget about earlier-- how he removed his clothes and unbuckled his belt. Paano kung may gawin talaga siyang hindi maganda? I had no one to call for help. Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano-anong bagay kaya naman mabilis akong bumangon nang marinig kong bumukas ang pinto. Sinuot ko ang tsinelas ko and I was planning to get out there acting like I didn't see him pero bago pa ako makalabas ng pinto, naramdaman ko na ang kamay niyang humawak sa braso ko. Sinundan ko iyon ng tingin. "Saan ka pupunta?" He asked plainly. Hindi ko mapigilan ang kaba sa dibdib ko. He was so mysterious... I couldn't say na ligtas ako and I couldn't say na may gagawin talaga siyang masama. It was hard to read his eyes and his tone. "S-Sa labas na lang ako m-matutulog." "Bakit hindi sa tabi ko?" Sunod-sunod akong napalunok nang muli kong makita ang mga mata nito. "Hindi ba't nobya kita?" And I also couldn't believe that I had heard that from him. "I... I just said that out of fear." Hindi ito sumagot agad. Napaawang agad ang mga labi ko nang maramdaman kong hinila niya ang braso ko palabas sana ng pinto pero nagmatigas ako. "S-saan mo ako dadalhin?" "Kay Mang Densio." Namilog agad ang mga mata ko. Hindi ko makakalimutan ang lalaking iyon na tinatawag nilang boss. "I--I mean... I'm your girlfriend. I'm really your girlfriend. Oo, tayo nga. W-we're in a relationship," mabilis kong sambit na nagkakanda-bulol-bulol pa. "Simula ngayong gabi, matutulog ka sa tabi ko." Wala sa loob na mabilis akong tumango for the sake of my life. "I... Iinom lang ako ng tubig..." Marahan kong binawi ang braso ko sa kaniya at nagmamadali akong nagtungo sa kusina nila. Nanginginig pa ang mga kamay kong kumuha ng tubig. Mabilis akong napapikit nang mariin nang mabasa rin ang lalamunan kong kanina pa nanunuyot. Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon. I didn't stop hanggang sa hindi nauubos ang tubig nila. I couldn't still calm myself down. Ayoko mang bumalik, wala akong ibang pagpipilian. I'd rather sleep there than sleep somewhere else habang pinaparusahan ng boss nila. He looked scary... and I didn't like the way he looked at me earlier. Nakahiga na ito sa ibabaw ng papag pagpasok ko sa silid. Hindi ako sigurado kung tulog na siya dahil nakatalikod siya sa direksyon ko. Maingat pa rin akong humiga sa kabilang dulo at tumalikod rin dito. Hindi ko pa rin maiwasang mapangiwi na lang. Iba't-ibang bagay pa rin ang nasa isip ko at hindi ko magawang makatulog dahil pinapakiramdam ko lang ito. I didn't want to wake up na may ginagawa na itong masama sa akin. I learned taekwondo and self defense pero hindi ako kasing-galing ng mga Ate ko na totoong untouchable. Sa sobrang daming nangyari buong araw, hindi ko namalayang nakatulog na rin ako. Nagising lang ako sa sikat ng araw na pumapaso sa mukha ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. My eyes had to adjust dahil bahagya iyong nasilaw sa sinag. I moved lightly at hinayaang maglakbay ang palad ko sa kung anong matitigas na bagay ang nakakapa noon. I just stopped nang umangat pa ang kamay ko and realized na gumagalaw iyon na para bang tumitibok na... puso. Wala sa loob na sinundan ko ng tingin ang kamay ko. I was in real disbelief nang makita kong nasa loob ng puting t-shirt ang kamay ko at... Nag-angat ako ng tingin. I saw a pair of eyes looking at me. Halos lumuwa ang mga mata ko realizing na nakaunan ako sa braso nito at nasa loob ng t-shirt niya ang kamay ko. Mabilis ko iyong tinanggal at mabilis rin akong bumangon without any single word. Nagmadali akong umibis ng papag. Sa sobrang kahihiyan pakiramdam ko ay sasabog na ang mukha ko. I was making impulsive moves again. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lang magpaka-layo-layo. I wanted to think that it was just a dream because that was something I would never do to someone I just met-- or someone totally stranger to me. God... mom and dad didn't teach me to touch someone else's body without their consent. Pakiramdam ko ay gusto ko na lang talagang maging... butiki. Nagpatuloy ako sa paghakbang hanggang sa makita ko si Roro sa likod ng bahay na tila ba namimitas ng talbos. I wanted to go to him and help him so maybe I would feel better. Mabilis itong tumayo. "Ateng Maganda, tigil!" sigaw nito mula sa dirkesyon niya. I didn't stop. "Roro--" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang bigla akong lumusot sa ilalim ng lupa. Lalo kong hindi naintindihan ang mga bagay-bagay dahil nagdilim na ang buong paligid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD