Chapter 4

1779 Words
ZAVANA KALSEY SANDOVAL __ Nagpaalam na sa akin si tatay Lucio at si Roro. I was still nervous at kung ano-ano pa ring bagay ang tumatakbo sa isip ko dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko para hindi nila malamang hindi naman talaga ako taga-roon. Bitbit ko na ang bag ko at dala pa ang ilang gamit ko. Kanina pa kami naglalakad. He wasn't talking to me since I couldn't give him names ng mga taong hinahanap namin. Ang bilin lang ni tatay Lucio, samahan niya ako at baka sakaling makasalubong namin ang mga ito sa daan. "Iiwan na kita rito," malamig na sambit nito. Napatingin ako agad sa kanya at lalo akong nakaramdam ng kabog sa dibdib ko. "Baka sakaling maalala mo na ang pangalan ng mga kamag-anak mo." I wanted to say something pero masyadong malamig ang mga mata nito. He was making me feel intimidated. Tumalikod siya sa akin at nagsimulang humakbang palayo. "H-hey... wait..." Dire-diretso lang ito at hindi na ako nilingon pa. Napapikit na lang ako nang mariin nang tuluyan itong mawala. I had no other option kung hindi ang maglakad-lakad sa lugar nila hoping na may mahanap akong bahay na matutuluyan. Maraming iba't-ibang klaseng puno sa paligid. Hiwa-hiwalay rin ang mga bahay at napansin kong medyo mataas na ang lupa na tinatayuan namin. Sa tingin ko ay nasa bundok kami, but not on the top of it. Lalo akong nakaramdam ng pag-aalala. Wala talagang kahit anong bahay upahan doon. Hindi pa rin nawawala ang kabog sa dibdib ko lalo pa at napapansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao sa kani-kanilang bahay at ang iba naman ay pinagbubulungan ako. Isang tingin pa lang, I guess they already knew na hindi ako taga-roon. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad even I was scared na gawin akong hapunan ng mga ito. May kalayuan na rin ang nalalakad ko nang mapadaan ako sa grupo ng mga lalaki na nakatambay sa isang kubo. Agad tumingin ang mga ito sa akin pgkatapos ay nilapitan ako. "Psst," Wala sa loob na napalunok na lang ako. "Bago ka rito?" My whole body was shaking. They all looked serious at hindi ko na makita ang paligid ko dahil napapalibutan na nila ako. They were also not wearing any shirts on na lalo pang nagpakabog ng dibdib ko. "Ngayon ka lang namin nakita rito, bago ka ba, huh?" I felt the need to answer that dahil kung hindi baka bigla na lang nila akong igapos, saksakin, or... what. "H-Hindi..." I answered nervously. "May... may kakilala ako rito." "Talaga? Anong pangalan?" "U-uhmm..." Kung ano-ano ng pangalan ang pumasok sa isip ko pero hindi ko pa rin nagawang banggitin. "Taga-Maynila ka ba ha?" muli pang tanong ng isa na tila ba kaya akong burahin sa mundo kapag oo ang naging sagot ko. I remained standing there, praying for my life. "Elmer, tawagin mo si boss. Sabihin mo may magandang babae dito." Agad akong napabaling sa nagsalita. Boss? Sunod-sunod ang naging tanong sa akin ng mga ito na hindi ko alam kung anong isasagot ko. I never thought I would experience that. I actually didn't take it seriously na hindi talaga nagpapasok ng ibang tao sa barrio nila. I should have practiced lying kung iyon pala ang kailangan ko para isalba ang buhay ko. Nahawi ang mga ito nang dumating ang isang lalaking sa tingin ko ay nasa mahigit kwarenta na ang edad. Katulad Ng iba, seryoso rin ang mukha nitong lumapit sa akin. "Boss, kilala mo ba 'yan? Mukhang bagong salta rito." Tumayo ito sa harap ko at tumingin sa mga mata ko. Halos kumawala na ang puso ko mula sa dibdib ko nang umangat ang kamay nito para idampi sa pinsgi ko. Hindi ko naintindihan kung anong dapat kong maramdaman. My body was shaking dahil hindi naman ako sanay ng hinahawakan ako ng iba. Si dad lang, ang mga kapatid ko, at si Helix and mga lalaking humahawak sa akin nang ganoon. I felt more uncomfortable nang bumaba pa ang mga palad nito sa magkabilang balikat ko pababa pa sa mga braso ko at pinisil ang mga iyon. Kinuha ko ang kamay nito roon to stop him pero hindi niya ako binitiwan. Pakiramdam ko ay may mga likido nang gustong mamuo sa mga mata ko. Kung may gagawin itong masama, I knew nobody would help me. Hindi ako makakahingi ng tulong from my parents and it would be the end of me. "Naliligaw ka ba?" tanong nito. Hindi agad ako nakasagot. I suddenly regret going there without thinking of the possibilities na puwedeng mangyari. "Huwag kang matakot, hmm?" Bulong nito at muling hinaplos ang mga braso ko. "Hindi kami basta-basta pumapatay ng magagandang bagay rito." "Boss, ang kinis. Baka naman p'wedeng ibalato mo na sa amin tutal mukhang mas kaedad namin siya." "Boss, may kakilala raw siya rito." Hindi tinanggal ng lalaki ang tingin sa akin at hindi tinanggal ang pagkakahawak sa mga braso ko. "Anong pangalan nila? Sabihin mo sa akin." Hindi ko alam kung bakit boss ang tawag nila rito. I was scared of mentioning the name dahil kung ito nga ang pinaka-mataas doon, alam kong kilala niya ang lahat ng taong nasasakupan niya. Wala sa loob na tumingin ako sa paligid. I was desperate to look for someone who could possibly help me. I was hopeless not until... I saw him. Nakahalo ito sa mga taong nasa paligid and just watching us. Alam kong hindi ko rin siya dapat pagkatiwalaan pero kahit papaano, nabuhay ang dibdib ko at nagkaroon ako ng pag-asang hindi pa iyon ang huling araw ko sa mundo. Mabilis akong humakbang palapit sa kanya at hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para yakapin siya. I hugged him tight at pinigilan kong mabuti ang luhang namumuo sa mga mata ko. "Help me..." I whispered. "Help me, please." Ramdam ko ang mga mata ng mga itong nakatingin lang sa aming dalawa. Kumapit ako nang mahigpit sa damit niya because I was afraid na sabihin niyang hindi niya rin ako kilala. Naramdaman ko ang pagkuha niya sa braso ko. Pilit niya akong inilayo sa kanya. "Trey, kakilala mo?" One of them asked. Diretso akong tumingin sa mga mata niya na puno ng pakikiusap. "Sino 'yan, Trey?" "Nagpunta ka lang ng Maynila noong isang linggo ah? Nag-uwi ka pala ng babae?" Hindi ito sumagot at nanatili pa ring nakatingin sa mga mata ko na walang emosyon sa mga iyon. "Trey, nobya mo ba 'yan?" Someone asked. And again, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para hawakan ang kamay niya at humarap sa mga ito. "N-nobya niya ako." Hindi Ako sigurado kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na sabihin iyon. Napakamot sa ulo ang mga ito. "Iba talaga kapag g'wapo ano, Trey? Swerte mo, ang kinis niyan oh." "Congrats, Trey. Akala ko wala kang planong magkaroon ng nobya. Iinom na natin 'yan." "Hindi ba't sabi ko ipapaalam sa akin kapag may darating dito?" malamig na tanong ng lalaking tinatawag nilang boss. Matalim itong nakatingin kay Trey. I guess ito nga ang pibana-mataas sa kanila. Kusang humigpit ang kapit ko sa kamay nito dahil sa kaba at takot. Hindi ko na inaasahang dedepensa siya para sa akin, but I was already so thankful na hindi na ito umiimik para magsabi ng totoo. "Pasensya na, Densio..." Napatingin agad ako sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Nakita ko si tatay Lucio na nakahalo rin sa mga tao sa paligid. May bitbit itong mga kahoy sa balikat at hawak niya si Roro sa kabilang kamay niya. "Naaksidente kasi ang magandang dilag niyang nobya kasama niya papunta rito. Isang linggo namin siyang inalagaan kaya naman hindi na namin nasabi pa sa iyo." Gustong magtatalon ng puso ko sa tuwa sa sinabi ni tatay Lucio. Pakiramdam ko ay totoong nakaligtas na ako. "Batas ay batas rito, Mang Lucio," malamig pa ring sambit nito. "Sa susunod, sumunod kayo sa patakaran dahil kung hindi... alam niyo na kung anong dapat niyong parusa." Marahang tumango si tatay Lucio at tumingin sa direksyon namin. "Trey, umuwi na tayo at malapit nang dumilim." Narinig ko pa rin ang usap-usapan ng mga ito pero ako na mismo ang kumuha sa kamay ni Try palapit kay tatay Lucio. Kinuha ni Roro ang ilang gamit ko at binuhat iyon. Sinundan pa kami ng tingin ng tinatawag nilang boss. He was obviously upset pero hinayaan niya lang na umalis kami. "Mag-usap nga tayo," sambit agad ni tatay Lucio nang makarating kami ng bahay. I realized na hawak ko pa rin ang kamay ni Trey kaya agad ko rin iyong binitiwan. It was kindly... awkward to me. Kinakabahan pa rin ako sa p'wedeng sabihin ni tatay Lucio pero kahit papaano ay panatag na ang loob ko na nakabalik ako sa bahay nila. I felt safe there. Nagsindi ito ng gasera ganoon na rin si Roro para magkaroon ng liwanag sa buong bahay. "Dito kayo," umupo ito sa isang silya sa living room. Wala sa loob na umupo naman ako sa mahabang upuan sa tapat nito na gawa rin sa kawayan. "Trey, umupo ka rito," tawag sa kanya ni tatay Lucio. Nanatili lang itong nakatayo sa puwesto at ilang segundo pa ang lumipas bago ito tuluyang umupo sa tabi ko. I absentmindedly gulped. Pakiramdam ko may stiff neck ako. I couldn't even look at him sa kahihiyang ginawa ko. "Bakit hindi ninyo sinabi sa aking may relasyon kayong dalawa?" I wasn't expecting na iyon ang sasabihin ni tatay Lucio. I thought he already knew na nagsinungaling lang ako. I didn't know na sineryoso niya ang pagsisinungaling ko kanina. "Bakit mo naman itinago pa sa akin, Trey? Plano mo pa yatang itago siya rito sa barrio? Eh ano naman kung may nobya ka na nga? Hindi naman kita pagbabawalan lalo na kung gan'yan kaganda ang nobya mo." Wala sa loob na pinaglaruan ko ang mga kuko ko. I also was expecting him to tell Tatay Lucio everything pero Hindi man lang ito umiimik. Mas lalo ko tuloy gustong malaman kung anong iniisip niya. "Muntik mo pa tuloy ipahamak ang nobya mo. Nakita mo naman pinagkakaguluhan sa labas. Ikaw talaga." I wanted to tell him the truth dahil pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko kapag hindi ko sinabi pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Humagikgik ito. "Pero bagay kayong dalawa." "T-tatay Lucio..." panimula ko. "Kayo bang dalawa, eh... nag-ano na?" pilyong tanong nito. Hindi ko alam kung bakit naintindihan ko agad iyon. Kinain kami nang mahabang katahimikan. I was about to answer that with the truth, but-- "Mamaya pa lang." Agad akong napabaling sa lalaking nasa tabi ko habang namimilog ang mga mata ko. Did I just hear him say that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD