Chapter 26

2278 Words

TRAVON ARTIAGA __ "Tatay, buti na lang nandito na kayo!" ani Roro habang nakatingala sa akin. "Kasalanan niya kung bakit kami ginabi roon," malamig na sabi ni tatay. "Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa nobya mo." Didiretso sana ako sa kusina pero muling nagsalita si Roro. "Tatay, nandito po kanina si Mang Densio eh!" Napatigil ako. Muli akong bumaling sa kanya. "Sabi niya po kakausapin niya si Nanay. Pasensya na kung iniwan ko siya sa kanya. Nakakatakot kasi siya eh." Kusang kumuyom ang mga palad ko. "Ano? Anong pinag-usapan nila?" agad tanong ni tatay rito. "Hindi ko narinig eh." "Naku, bakit hindi ka nakinig? Ikaw talaga. Kapag bulong ng langgam naririnig mo kapag importanteng bagay hindi. Sa susunod, kapag kayong dalawa lang ang naiwan dito sa bahay magsasara ka ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD