ZAVANA KALSEY SANDOVAL __ "Hija, kumusta ang tulog mo?" tanong sa akin ni tatay nang makarating ako sa kusina. Pinilit kong ngumiti rito. "Tay, pasensya na po... kung pinag-alala ko kayo kagabi." "Ano ka ba. Ako nga ang dapat humingi ng pasensya sa iyo. Kung may nangyari na namang masama sa iyo, lagot talaga sa akin ang lalaking iyon." Wala sa loob na tumingin ako sa paligid. "N-nasaan po pala si Trey?" "Ah, pinakuha ko ng lupa sa gubat para matabunan na ang kubo at p'wede na nating gawing pahingahan. Huwag kang mag-alala, pinagbantaan ko na siya." Napabusangot ako. Subukan niya lang ulitin iyon. I would hate him to death. "Siya, pinagtimpla kita ng kape. Halika at kumain na tayo. Susunod na rin ako kay Trey at nang matapos na kami ngayong araw. Tatawagin ko lang si Roro." Hinint