ZAVANA KALSEY SANDOVAL __ We went back home after three months. Halos wala kaming naging pahinga ni Helix, but I had so much fun. I enjoyed it so much. Marami kaming lugar na napuntahan at marami pang pupuntahan nang magkasama. He promised me that. Iyon ang unang beses na nagkasama kaming dalawa nang mahabang panahon na siya lang ang nakikita ko. Nag-a-out of town din kami noon pero pinaka-mahaba na ang apat na araw. Parehas kasi kaming may trabaho. Mabilis ang panahon, and I didn't even notice that it was already my 25th birthday. Kakauwi lang namin ni Helix kahapon. I had an early greetings from mom and dad. Si Kuya Zice ang unang dumating sa bahay. Umaga pa lang ay nandoon na sila nina Ate Chanel at Karsyn na hindi pa rin nagbabago. He was still talkative and I still love him so