Halos matulos si Reden sa kinatatayuan nang magtama ang paningin nila ng matanda na nasa pangatlong kama sa kanila sa gawing kanan. Nakita na niya ang mukhang 'yon pero hindi matandaan kung saan. Mabilis na nagbawi ang matanda ng tingin saka naupo sa upuang naroroon, tulog na tulog naman ang pasyenteng binabantayan nito. Gulong-gulo ang isipan ni Reden sa sandaling 'yon, mula sa babaeng nagpanggap na kapatid ng ina-inahan hanggang sa babaeng nakita niyang tila nakita kung saan. "Anak, ayos ka lang ba? Kumain ka na kaya muna mukhang nalipasan ka na ng gutom, namumutla ka na," untag ni Nanay Estrella sa kanya. Doon ay tila nahimasmasan naman si Reden dahil mukhang tama ang Nanay Estrella niya, kailangan na niyang kumain dahil para na siyang nagha-hallucinate sa sobrang gutom niya. Hindi