Natigilan ang donya sa sinabi ng anak na si Katherine, batid niyang anumang oras ay sasambulat na ang kanyang lihim. Sa totoo lang ay nagsisi naman siya sa ginawa sa tunay na apo pero ayaw niyang mas lalong ma-bully ang anak na si Katherine kapag nalaman ng mga taong disgrasyada siya tapos ang pangit pa ng anak, ano na lang iisipin nila, na isinumpa ito? 'Ginawa ko lang 'yon para sa kapakanan mo,' aniya sa isipan habang nakatitig sa likuran ng anak na noon ay nasa dulo na ng mahababg hagdan papanhik sa kanilang ikalawag palapag ng kanilang bahay. "Sana lang mama hindi totoo ang nasa isip ko ngayon," hirit ni Katherine na nagpabalik ng tingin ng donya sa kanya. Hindi na lamang nakaimik si Donya Carolina at nang tuluyang mawala sa paningin ang anak ba si Katherine ay mabilis na nagtungo