Hindi maiwasang tumulo ang luha buhat sa mga mata ni Manang Tilde habang papalayo sa bahay ng mga Lopez na halos singkuwenta taon niyang pinagsilbihan. "Tilde, kunin mo ang sanggol at dalhin mo sa bahay-ampunan o kahit saan," utos ni Donya Carolina. "Pero Donya Carolina, maaatim mong ipamigay ang tunay mong apo?" palatak niya rito. "Isang sumpa ang batang 'yan sa anak kong si Katherine, kahihiyan ang hatid ng batang 'yan sa amin?" matigas na wika nito. Mukhang desidido ang donya na ipatapon ang apo nito kaya hindi na kumontra pa si Tilde dahil batid na iuutos nito sa iba kung hindi siya ang gagawa. "Ano, Tilde, gagawin mo ba ang inuutos ko o ako na ang gagawa?" bulalas ng donya. "Baka magising na si Katherine at makita pa niya ang pangit na mukha ng batang 'yan," dagdag pa nito kaya w