Mula nang mawala ang ina niyang si Rosa ay isinumpa ni Reden na hindi na siya muling luluha pa pero dahil kay Katarina ay heto siya napapahagulgol dahil sa laki ng paghihinayang niya. "Kasalanan ko ito," bulalas niya na kinagulat ni Nanay Estrella. Napapailing-iling ito ngunit hindi magawang ibuka ang bibig. "Kasalanan ko ito, pinatagal ko pa kasi ng ganito katagal kung papayag rin pala ako sa kagustuhan ni papa para lang maipagamot siya sana ay hindi siya namatay!" palatak ni Reden na lalong kinagulat ni Nanay Estrella sa huling sinabi. "Sinong namatay?" maang na wika nito. Nagulat rin si Reden sa tanong na 'yon ng kanyang ina. Mabilis na pinahid ang mga mata dahil mukhang hindi sila nakaintindihan nito. "Sinong namatay?" ulit ni Nanay Estrella niya. "S-Si Katarina?" maang na usal