Napatayo si Katherine nang bigla ay may dumating na sasakyan, kabadong-kabado siya lalo na at hindi pa nabalik si Manang Carmen. Nagpalakad-lakad siya sa sobrang tensyon at halos hindi siya makahinga nang bumukas ang malaking tarangkahan ng bahay ng mga Ctistobal. Napahawak na lamang si Katherine sa dibdib nang makitang si Manang Carmen 'yon pero muling dinaluyon ng kaba sa dibdib nang makitang hindi ito nag-iisa kundi kasama si Salvador, ang lalaking unang kasintahan. Kapwa sila natigilan nang makita ang isa't isa. "Katherine, ikaw nga?!" basag ni Salvador aa katahimikang lumulukob sa kanila at kita ang saya sa mukha nitong makita siya. "S-Salvador, k-kumusta k-ka n-na?" nauutal pang saad ni Katherine, hindi niya talaga inaasahang sa ganoong pagkakataon pa sila magkikita "Heto, ayos