Matapos ng dalawang taon ay matagumpay na napalago ni Reden ang itinayong negosyo na isang trading center ng office and school supplies. Nagsimula sa isang maliit na pwesto at ngayon ay may sampung branch na siya at lahat ng mga 'yon ay malapit sa mga eskuwelahan o colleges. Last year lang din ay nag-start na siyang makipag-bid sa mga malalaking kompanya sa iba't ibang kompanya at maswerteng nakakuha siya ng halos limang kompanya at sampung eskuwelahan. Ang limang daang puhunan niya ay napalago niya ang asset ng negosyo niya sa tatlong milyon at kung magpapatuloy ganoong swerte niya ay baka madoble pa ang kikitain ng kanyang negosyo. "Sir Red, may naghahanap po sa inyo," tinig ng sekretaryang si Marian. "Client?" aniya rito. Umiling ito at nang bumukas ang pinto ay nakita niya ang N