Chapter 54: Ibang Mukha, Iisang Babae (Pinagtagpo pero Hindi Nagkakilala)

1559 Words

Tila tumigil ang mundo ni Reden nang makita ang pares na napasok sa restaurant na kinaroroonan, ang amang si Salvador at asawa nitong si Natalie kasama ang isang cute na cute na batang babae na may malaking ribbon pa sa ulo nito, tantiya niya ay nasa isang taon pa lamang ang bata. Maya-maya ay sunod na pumasok ang isang babaeng may tulak na stroller ng mata at may sukbit na baby bag na hinala ay yaya ng bata. Halos mabulunan si Reden sa sariling laway nang mapagtantong maaaring anak niya ang batang babae na hawak ni Natalie. Nang sumingit ang babaeng tinitingnan kanina ay mabilis na binaling ang tingin sa kinaroroonan nito ngunit laking dismaya dahil wala na roon ang babae, mukhang umalis sila ng lalaki at napagkasunduan na hindi na roon kumain. Naalala niya ang Nanay Estrella na kasama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD