Isang taon na rin mula nang mawala ang kanyang mama, sa wakas ay nakalaya na rin si Katherine sa pagiging kontrokado nito sa buhay niya pero hindi niya inaasahan na ganoon pala kahirap na wala ang mama niya. Hindi niya inaasahan na maiiwan sa kanya ang responsibilidad sa kanilang negosyo. Mabuti na lamang at naroroon si Martin upang alalayan siya, ang executive assistant ng kanyang mama. Ito ang nakakaalam sa mga ilang malalaking transaction ng ina lalo na at biglaan ang naging pagpanaw nito. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya kung paano nawalan ng preno ang sinasakyan nilang sasakyan kung tiningnan muna ito ng driver nila bago ito nagbihis upang ipagmaneho ang kanyang mama at anak na si Katarina. "Pennt of your thought," untag ng tinig buhat sa kanyang likuran. Hindi man siya