Pagdating ni Katarina sa opisina ng ina ay naroroon ang kapatid na si Troy, si Katherine at ang family lawyer nila. "Mabuti naman at dumating ka na, kanina ka pa namin hinihintay," sita ni Troy sa kanya. "Atat ka lang kunin ang mana mo," irap sa kapatid. "Oh, gusto ko lang magtayo ng sarili kong negosyo," hirit ni Troy. "Tumigil na kayo para masimulan na ni attorney na basahin ang sulat ni mama," awat ni Katherine sa bangayan ng mga anak. Kapwa naman natahimik sina Katarina at Troy at hinintay ang pagbasa ng attorney nila. "Hindi ko alam pero ramdam kong malapit na mamatay, kaya hinanda ko na rin ang aking will. Nilagay ko ito sa safety deposit at pinangalan ko 'yon sa apo kong si Katarina, na mabubuksan niya lang sa ika-twenty-fifth birthday nito," basa ng abogado ng pamilya. "Akal