Mabilis na lumapit si Katarina sa kaibigan at nakipagbeso-beso rito, sunod naman niyang binalingan ang dalawang lalaki kasama na roon ang kasintahan ni Harper. "Hi," tipid na ngiti sa mga ito. "Hello," tugon ng babae, ang kasintahan ni Harper. "Anyways, Katarina is here dahil may itatanong siya sa 'yo, Harper," ani Ysabelle sa lalaki. "Itatanong sa 'kin?" maang na usal ng lalaki. "Don't worry, hindi naman kita ibubuko sa girlfriend mo what you did at that night," hirit ni Katarina. "I just want to know what you knew about the guy na nagpanggap na boyfriend ko," palatak niyang dugtong sa lalaki. Napakunot-noo ito ng mukha. "You mean, hindi mo siya boyfriend? He lied?" maang ni Harper na kinailing-iling naman ni Katarina. "Oh well, anong ginawa niya sa 'yo?" puno ng concern ang nabaka