Halos hindi nakatulog si Katarina dahil sa kinakaharap na problema kaya tinanghali tuloy siya ng gising. Pagkagising ay agad na nagtungo sa banyo at kinuha ang pregnancy test, sabi kasi ng pharmacist sa drug store na binilhan ay mas mainam daw gamitin ang PT sa unang ihi sa umaga para mas acurate ang ibibigay nitong result. Pigil ang ihi habang inaayos ang PT, nang ganap na maayos ay pinatakan na niya 'yon at hinintay ang limang minuto upang hintayin ang resulta. Labis-labis ang kaba habang hinihintay ang resultang ibibigay ng PT kit sa kanya. Panay ang usal na sana ay negative ang ibigay nitong result ngunit habang tumatagal ay lumilinaw ang dalawang guhit sa kanyang hawak na kit. Halos mabitiwan 'yon ni Katarina at nagsimulang pagpawisan ng butil-butil. "No, hindi ito maaari," palata