Kabadong-kabado si Katarina dahil one week na siyang dekayed mula nang may nangyari sa kanila ng lalaking nakilala sa bar. "Sh*t, this can't be!" gigil na turan sa kawalan habang paulit-ulit na naglakad sa kanyang silid. Never pa siyang na-delay ang cycle ng kanyang menstruration kaya alam niyang may mali. Agad na tinawagan ang kaibigang si Ysabelle. "Yes, girl, napatawag ka?" usisa naman ng kaibigan niya sa kabilang linya. "Wait, busy ka ba, mukhang hinihingal ka riyan?" usisa pa. Ayaw niyang mag-isip ng may malisya pero tila na-caught niya ang kaibigang nasa kalagitnaan ng kasarapan. "Oh, nasa gym kasi ako ngayon kaya medyo hingal," mabilis na kaila ng kaibigan sa kabilang linya. Pero batid naman ni Katarina na wala ito sa gym kasi wala siyang marinig na ibang tao sa paligid nito.