Walang imikan sina Katarina at inang si Katherine pagkauwi bagay na kapansin-pansin ni Troy kaya agad na nag-usisa sa kanyang kapatid. "Hey, may nangyari bang hindi ko alam?" usisa nito kay Katarina na sinundan pa sa silid nito. "Wala," tugon ni Katarina na matamlay. "I don't believe you, base sa hitsura ninyo ni mama mukhang may nangyari na hindi ko alam?" giit ni Troy kaya napatitig dito ng matiim si Katarina. "Hindi si Salvador ang tunay nating ama and imagine that, nabuo tayo dahil sa one-night stand," palatak ni Katarina kay Troy. "What?!" gulat namang bulalas ni Troy sa kapatid. Katarina shrugged her shoulder then sat to her bed. "Wait, sino si Salvador?" naguguluhang turan pa ni Troy. Mukhang marami siyang na-miss sa nangyayari sa kanilang buhay. "Hindi ba't lumaki ka sa kan