Napatigil si Reden nang makita ang dalawang babaeng nakaupo sa counter, bukod sa sexy at magaganda ang mga ito ay dahil sa kilala niya ang isang babae. Ito ang babae ay nakasalubong sa elevator ng LPFI Building. 'Sh*t, hindi pa naman ako nagpalit,' aniya sa isipan. Kailan pa siya naging conscious pagdating sa babae, ngayon lang at sa babaeng ito pa. 'Sino ka ba at bakit ganito ang nararamdaman ko sa 'yo,' muling turan sa isipan. Maya-maya ay lumapit sa kanila ang babaeng kasama nito. Mukhang inaawat ito ng babaeng kanina pa pumupukaw ng kanyang pansin pero huli na nant awatin ito dahil nakuha na ng pansin ang mga kasama. "Grabe, ang ganda nga rito at magaganda ang mga chikababes," palatak ni Roelna titig na titig sa babaeng palapit sa kanila. "Hello, boys, I'm Ysabelle. Mind to know wh