Umiikot man ang mundo ni Katarina pero noong makita ang mukha ng lalaking yumakap sa kanya ay agad na nakilala ito. Pinilit pa niyang manulak pero tila nawalan ng buto ang mga kamay at hindi magawang itulak ito. Dinig pa niyang pinagbantahan nito ang lalaking nais sana siyang isama papalabas dahil hindi na mahagilap ang kaibigang si Ysabelle. "Ano ba? B-Bitiwan mo nga ako," bulalas ni Katarina nang mailabas siya ng lalaki mula sa club. Binitawan siya nito at maging ang mga tuhod ay tila nawalan ng buto kaya pagkabitaw sa kanya ay agad siyang bumagsak sa sahig. "Ouch! Bakit mo ako binagsak?!" galit na palatak sa lalaki. "Sabi mo ay bitiwan kita kaya binitiwan kita," anang ni Reden sa babaeng kahit ilang pilit nitong tumayo ay hindi makatayo. "Ano ba, tulungan mo ako rito, it's your fa