Pagkagising ni Katarina ay nasa isang silid siya na hindi alam kung saan, masakit na masakit ang katawan kaya agad na inusisa at doon ay halos maghilakbot nang makitang hubo't hubad siya sa ilalim ng kumot. Pasapo siya ng mukha at pilit na inaalala ang mga nangyari kagabi. "Sh*t! Sh*t! Sh*t!" puro mura ang lumalabas sa bibig sa inis sa sarili. Nawala ang bagay na kinaiingat-ingatan dahil lang sa inis niya sa Martin Romulo na 'yon. Napaupo siya sabay sapo sa kanyang noo habang muling inalala kung paano siya nakarating sa silid na 'yon. Wala siyang maalala maliban sa pagdating ng makulit na lalaki na hindi siya tinatantanan. Nang maalala ang lalaki ay agad na pumasok ang kaibigang si Ysabelle sa isipan. Ito lang ang magiging susi upang matunton ang lalaking gumalaw sa kanya, ang lalaking