Walang inaksayang oras si Reden dahil pagkapirmang-pagkapirma sa kontrata ay nagtungo na siya sa LPFI Building. Sa dami kami ng mga kliyente nila at hindi na niya naiisa-isang alamin kung sinu-sino ang nagmamay-ari ng mga 'yon. Hindi niya lubos-akalain na pag-aari pala 'yon nina Katherine Lopez. Paglabas pa lamang ni Reden sa sasakyan na nakatanaw sa building ng LPFI ay labis na ang kaba sa dibdib. Tama nga kaya ang hinalang ang babaeng nakaniig niya noont isang gabi ay si Katarina Lopez na kilala niya. Hindi niya tuloy maiwasang kapain sa bulsa ang pasaporte nito na kinuha. Pagpasok sa lobby ay agad siyang nagtungo sa reception upang sabihin ang kanyang pakay, doon naman ay binigyan siya ng instruction na nasa fourth floor ang opisina ni Mr. Romulo. Patungo na siya sa may elevator nang