Ilang na ilang si Reden sa mga tingin ni Natalie kaya iwas na iwas siya rito. "Mabuti naman at pumayag ka, Reden, ikaw na lamang ang pag-asa namin ni Salvador," tila naiiyak kunong saad ni Natalie. "Wala akongibang hangad kundi ang lumigaya siya pero paano naman ako, ang pangarap kong magkaroon ng masayang pamilya kung hindi naman kami magkaroon ng anak kaya kahit isa lang," bulalas ni Natalie. Naisip ni Reden na marahil ay lasing na ito kasi hindi na ito nahihiyang mag-open up sa kanya. "Ikaw, Reden, mabuti naman at pumayag ang girlfriend mo?" maya-maya ay usisa nito. Pangalawang bote pa lamang niya pero mukhang bago pa siya dumating ay nakainom ka si Natalie dahil may dalawang boteng empty na kaya medyo nagiging matabil na ang dila. "W-Wala," nautal pang sagot sa babae. "What