Hindi nawala sa isipan ni Donya Susana ang pagkakakita sa manugang na si Natalie at driver ng anak na si Samuel. Wala naman sanang masama kung makitang magkasama ang mga ito kung sa isang restaurant o mall nakita ang mga ito. Bakit pakiramdam niya ay tila pinagtataksilan ng mga ito ang anak. Naging maayos man ang naging usapan nila ng matagal na hindi nakausap na kaibigang si Donya Carolina. Nakahingi na siya ng kapatawaran dito at naging maayos naman na sila kahit papaano. Pagdating nila sa venue ng birthday ng kaibigan ay hindi pa rin mawala sa isipan ang kanyang nakita kaya nang maging abala si Carolina sa iba nilang kakilala ay nagawa niyang pumuslit upang magtungo sa reception upang magtanong. Gamit ang kanyang impluwensiya ay hindi naman siya nahirapang tanungin, kinailangan niya