Tuluyang sumapit ang alas-singko, halos minu-minuto namang tinitingnan ni Reden kung tatawag ba si Natalie upang kumpirmahin ang kanilang pagkikita. Dumating na rin ang Nanay Estrella niya at pinakilala na niya ito kay Manang Tilde. Agad namang nagkapalagayang-loob ang dalawa at doon ay tuluyang ikuwenento ni Manang Tilde ang buong detalye kung paano napunta sa kanila si Katarina. Awang-awa si Nanay Estrella kay Katherine ayon sa kuwento ni Manang Tilde, kung paano kinontrol ni Donya Carolina ang buhay nito mula nang mabuntis ito sa hindi niya kilalang lalaki hanggang sa ipanganak niya si Katarina at nang makitang pangit ito ay walang pagdadalawang-isip na ipinamigay ang bata at hanggang ngayon ay hindi malaman kung saan kinuha ng donya ang batang lalaki na dala-dala nito na ipinalit sa