Sa narinig na sinabi ni Katarina ay natigilan ang lahat, napatingin kay Katherine at lahat ay naghihintay ng kasagutan mula sa babae maliban kay Donya Susana. Napapailing lamang si Katherine. "Hindi kayo magkapatid ni Reden," singit ng tinig ng donya. "Kaya tuluyang naghiwalay—" putol na kuwento ng donya nang suwayin ito ni Katherine. "Tita, past is past, tapos na ang lahat," pigil niya sa magiging biyenan sana noon. "Alam kong nagkamali ako, pero nasaktan lamang ako sa panloloko ng anak niyo noon kaya nagawa ko ang bagay na 'yon," hingal na turan ni Katherine. Napakunot-noo si Katarina sa naririnig na takbo ng usapan. "Ibig bang sabihin nito na anak mo ako sa lalaking hindi mo kasintahan?" maang sa inang si Katherine na noon ay naluluha. "Tama ka, Katarina, anak kita sa lalaking hin