Mula nang dumating sila mula sa Amerika buhat sa anim na buwang bakasyon roon ay hindi na mapigilan ni Salvador ang maghinala sa kanyang asawa. Palagi kasi itong nalabas at kung anu-ano ang dinadahilan para lang makalabas. Hindi naman niya ito magawang sundan dahil sa kanilang anak. "Manang Carmen," tawag niya sa matandang hawak ang lalagyan ng mga labahan. Halos mabitiwan niya ang dala nito nang tawagin ito sa gulat. "Susmaryosep!" gagad nitong gulat na gulat. "Ikaw pala 'yan, Salvador, may kailangan ka ba?" usisa ng matanda sa kanya. "Pasensiya ka na manang, nagulat po yata kita," hingi nito ng tawad. "Wala 'yon, may kailangan ka ba?" untag ng matanda. Eksaheradang napabuntong-hininga ito. "May napapansin po ba kayo sa asawa ko kapag wala ako rito sa bahay?" maang na usisa sa ma