Chapter 41: Nalalapit na Katotohanan

1783 Words

Pagbukas ng pinto ng club ay agad na nagtungo si Manang Tilde sa club. "Ma'am, mamaya pa po kami magbubukas, maghahanda pa lang po kami," turan ng lalaking maskulado at nakaitim ang suot. "Ay, ganoon ba, akala ko kasi ay bukas na kayo," natatawang turan na lamang ni Manang Tilde nang tingnan siya ng matiim ng lalaki. "Ma'am, maaga pa po para malasing," maya-maya ay wika ng lalaki na muli niyang kinatawa. "Naku, hindi pa ako lasing, ngayon lang kasi ako papasok sa ganitong lugar," ani Manang Tilde dahilan upang matiim ulit siyang tingnan ng lalaki. "Teka, may hinahanap kasi akong lalaki," mabilis na saad sa lalaki. "Marami pong lalaki rito, ma'am, sino po bang hinihanap mo?" tanong ng lalaking kausap. Natigilan si Manang Tilde dahil naalala niyang hindi nga pala niya alam ang pangala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD