Chapter 40: PAUNAHAN (Detective vs Manang Tilde)

1533 Words

Dahil sa naging usapan nila ng asawa ng ama na si Natalie ay hindi tuloy nakapasok si Reden sa trabaho bagay na ipinagtataka ng kanyang ina. "Hindi ka ba papasok?" untag nitong tanong. "Hindi na siguro, nanay," aniya na matamlay. Agad naman nitong kinapa ang kanyang noo. "Wala ka namang sakit, a?" anito. "May problema ba?" usisa pa nito bagay na mabilis tinugon ng iling. "Wala, nanay, gusto ko lang magpahinga saglit" aniya rito dahilan upang kahit papaano ay mapangiti. "Mabuti naman at naisip mo 'yan," anito. "Tiyak na hindi niya magugustuhang nagpapakapagod ka para sa kanya," hirit pa nito sabay tingin kay Katarina na tulog pa rin. "Gusto ko munang bantayan siya," aniya sa ina. Lalong lumawak ang pagkakangiti nito. "Mainam pa siguro, nanay ay umuwi muna kayo at doon ay magpahing

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD