CYRIA Kagigising ko lang pero hindi talaga maganda ang mood ko. Hindi pa ako nakakabawi sa inis, pero namimiss ko na ang dalawang lalaking iyon. Napalabi ako nang ma-confirm ko na hindi sila natulog dito sa silid kaya na lungkot talaga ako knowing na pinili nilang sa labas matulog at hindi dito. Magaan ang ulo na bumangon ako at mabilis na nagsipilyo saka naligo. Nakasanayan ko na kasi ang ganitong daily routine kaya kahit maaga pa lang ay talagang naliligo ako bago bumaba at mag-almusal. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko dahil nakaramdam ako ng kalungkutan. Hindi ko alam kung dala lang ba ito ng pagbubuntis ko, pero ang lungkot palang gumising na ako lang mag-isa dito lalo na at nakatingin ako sa kama na hindi man lang nagusot ang dati ay higaan nila. Kahit ilang araw ko p