CYRIA Para akong tuod na nakaupo sa sofa nang sabay na pumasok ang dalawa. Buhat ni Zandro si Andrew na pinakatitigan ko pero wala akong nakikitang pagkakapareho sa feature nila kahit sa kulay man lang ng balat at maging sa mga mata. Literal na maputi kasi si Zandro lalo na at may lahi daw siyang Spanish unlike Dawson na pure blooded Filipino siguro dahil sa feature ng mukha niya kaya natural na moreno ang kulay niya. Pareho kaming maputi ni Zandro kaya nagtataka ako noon kung bakit iba at malayo ang kulay ni Andrew sa amin. Although hindi siya maitim pero kung titingnan ko si Dawson ay alam kong posibleng namana ito sa kanya ng anak ko. "Breakfast is ready," malambing na sabi ni Zandro na lumapit sa akin ay tumabi habang si Dawson ay nakatayo lang na agad kinuha si Andrew sa asawa ko