CYRIA Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero nagising akong parang binibiyak sa sakit ang ulo ko at halos wala akong lakas para igalaw ang katawan at bumangon. Dahan-dahan na iginala ko ang paningin ko sa buong paligid at pilit inaala kung nasaan ako dahil para bang bago sa akin ang lugar na kinaroroonan ko. Impit na ungol ang kumawala sa labi ko dahil tila may mga boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa bawat himaymay ng ugat ko at nanonoot sa bawat sulok ng kalamnan ko. Ilang ulit na lumunok ako dahil pakiramdam ko ay sobrang nanunuyo ang mahapding lalamunan ko pati na rin ang labi ko. "I'm glad you're finally awake," sabi ni Zandro na nasa tabi ko ng magmulat ako pero hindi ko nasagot ng tanungin rin ako ni Dawson. "How are you, babe?" tila puno nang pag-aalala na tanong