CYRIA Dahil sobrang na bo-boring ako ay naisip kong buksan ang social media account ko. Tinatamad na nag-scroll ako hanggang sa agad na nagsawa ako dahil wala namang akong specific friends na gustong i-check hanggang sa na isipan kong hanapin ang profile ni Zandro pero hindi ko siya nahanap. Hindi ko alam kung may account ba siya o posibleng naka-private at hindi ma-search kaya kahit ilang ulit kong sinubukan ay hindi ko nakita. Sinubukan kong I-type ang pangalan ni Dawson at agad na bumungad sa search results ang isang account na ikinagulat ko dahil hindi ko inaasahan na may E-book pala siya dahil masyado siyang seryoso sa buhay pero iba sa nakikita kong masayang mukha niya at maraming pictures kasama si Lucille. Parang dinudurog ang puso ko sa masayang larawan ng dalawa mula sa bak