CYRIA "Cyria, anak!" malakas na tawag ni Daddy Darwin ang bumungad sa akin ng bumaba ako dito sa sala. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na narito na siya nang ganito kaaga. Alam kong pupunta siya dito pero ngayon, dahil I didn't expected to see him pagbaba ko. "I miss you, hija. Akala ko, hindi na tayo magkikita pa,"emotional na sabi Daddy Darwin na agad akong niyakap ng mahigpit. Nararamdaman ko ang pag-alog ng balikat ni daddy, tanda na umiiyak ito dahil sa matinding emosyon na nararamdaman niya ngayong nagkita ulit kaming dalawa. Sapat na iyon para malusaw ang matagal na sama ng loob at tampo ko sa kanya. Simula pa lang, alam kong mahal ako ni daddy at ginawa niya ang lahat para lumaki akong mabuting tao kaya kahit gano'n ang nangyari ay hindi mahirap para sa akin ang patawarin