CYRIA Hindi ko alam kung paano ko silang dalawa ngayon haharapin at magpanggap na ayos lang sa harap ni Zandro na iniwan ang laptop at lumapit sa akin ng makita niya na mukhang naguguluhan ako. Tipid na ngumiti lamang ako nang tanungin niya kung ayos lang ako habang mahigpit na hawak ko ang cellphone sa tabi ko dahil ayaw kong makita niya ang natuklasan ko. "Where's Dawson, Zandro?" tanong ko sa kan'ya dahil wala ito ng suyurin ng mga mata ko ang buong silid. Sinagot ni Zandro ant tanong ko at sinabing nasa loob ng banyo at naliligo si Dawson kaya tumango ako. "May napanaginipan ka bang hindi maganda?" mahinahon na tanong ni Zandro at hinaplos ang balikat ko. "No, naalimpungatan lang ako," tipid na sagot ko at piniling itago ang totoo sa kanya. Malambing na niyakap ako ni Zandro a