CYRIA Maaga pa lang ay sinamahan na ako ni Zandro at sumama rin si Dawson pati si Andrew dito sa hospital para sa unang prenatal check ko. After kasi naming malaman na buntis ako ay napunta sa paghahanap ng itlog ang mga isip namin at nakalimutan na ito dapat ang una naming gagawin. Natawa pa ako sa dalawa matapos makita ang reaksyon ng mga ito nang mag-dinner kami kagabi at makita ang laman ng plato sa harap ko. Syempre pa, maraming itlog ng pugo ang nakahalo sa gulay, plus my favorite shrimp. Alam kasi talaga ni Alice kung ano ang gusto ko kaya kahit hindi ko sabihin sa kanya ay ginawa nito. Hindi ako maselan ngayon sa pagkain o kahit anong inumin. Basta makakain lang ako ng gusto ko ay kuntento na ako. Sapat na sa akin ang mga gulay na maningning sa mga mata ko. Satisfied rin ako s