Part 7
Time check 11:00
"Ang isang tao ay may karapatang bubuin ang kanyang sarili, karapatang gawin ang mga bagay na magpapasaya sa kanya at karapatang lumakad sa direksyon na nais niyang puntahan. May mga bagay na hindi natin lubos maunawaan sa isang tao ngunit ito nagbibigay ng pagkakakilanlan sa atin. At sa huli, ang ating mga sarili ay maipagmamalaki natin batay sa kung ano at sino tayo.
"Kung minsan ang pinakamalaking pagsubok sa ating pagkatao ay kung paano natin maipagmamalaki ang ating mga sarili. Kung paano ba tayo tatanggapin ng iba. Bagamat huwag natin lilimutin na ang tayong lahat ay espesyal sa mata ng may kapal.
"Ngayong gabi ay mapapakinggan natin ang isang naiibang kwentong magbibigay ngiti at inspirasyon sa ating lahat. Isang kwentong magbibigay ng linaw at mas malalim na pag unawa sa ating mga kaisipan. Ito ang liham na ipinadala ni Jose Carlo mula sa Central Luzon at narito ang kanyang pahayag," ang wika ko, huminga ng kaunti at pinindot ang themesong ng aking segment na Kumusta ka aking mahal by Freddie Aguilar.
Dear Midnight,
Nagkaroon ako ng lakas ng loob na ibahagi ang aking kwento magbuhat noong marinig ko ang mga liham ng iba pang letter senders. Salamat sa pagbibigay ng pantay na pagtingin sa aming mga binabae, kayo lang yata ang bukod tanging radio station na kumikilala sa aming pagkatao kaya’t labis kami humahanga sa inyong mga taga Dreame Romance. Ang aking kwento ay hindi tipikal na istoryang iyong naririnig o napapanood sa telebisyon dahil bukod sa unique ang aking kwento ay punong puno ng aral, emosyon at damdamin. Tawagin niyo na lamang po ako sa pangalang Jose at ito ang aking kwento.
"Saklolo! Tulungan nyo ko!! Saklolo!!" ang sigaw ng isang babae sa di kalayuan habang pilit siyang hinahatak ng isang lalaki papasok ng lumang bodega. Paki wari ko ay may balak gahasain ang lola mo. "Mabuti pa siya ay magagahasa, samantalang ako ay halos dalawang buwan nang walang booking." ang wika ko naman sabay deadma sa babaeng nang hihingi ng tulong.
"Hoyy beki tulungan mo nga ako! Bakit dineadma mo lang ako?? Helpppp! Gagahasain nya ko!!" ang muling sigaw ng dalaga.
"At bakit ko naman gagawin iyon?Mabuti nga at pinipilit kang gahasain. Samantalang ako ay tigang pa din. Maarteng to!" ang sagot ko naman
"Bakla kaaa pag di mo tinulungan ay konsensya mo to! Marami akong kilalang lalake at mga gwapo pa!Pag tinulungan mo ako ay hahanapan kita ng boyfriend yung malaki at matigas... ang katawan. Ano kaba tulungan mo nga ako dito!!"
"At paano naman ako makakasiguradong bibigyan mo nga ako? Aberrr!!?"
"Gaga!Paano kita bibigyan e gagahasain nga ako nito no! Tulungan mo na ko bilisan mooong bakkkllllaaaaaa!"
"Sige na nga. Deal yan haaa...!"
"Deaallllll bilisan mooo baklaaaaaaa kaaa huwag kana maarte dyannnn!!"
At iyon ang set up, tutulungan ko tong si lady gaga at pagkatapos ay bibigyan nya ako ng lalaki. Deal!! kaya naman pumwesto ako sa pinaka itaas na bahagi ng gusali at doon sumigaw. "Bitiwan mo siya! Pati walang kamalay malay na babae ay pag sasamantahan mo? Anong klaseng tao kaa? Hindi kita mapapatawad dahil ako si Sailormoon! Parurusahan kita sa ngalan ng buwan!!"
"Baklllaaa bilisan mo! Ginagahasa na akoooo! Walangyaaa kaaaaaaa!!"
"Waitsung teh, bababa lang ako ha. Stayput ka lang dyan." ang sigaw ko naman at muli akong bumaba ng hagdan patungo sa kanilang kinalalagyan.
Dali dali akong bumaba ng hagdan at walang ano ano ay tinadyakan ko ang lalaki sa kanyang likuran "darna kick!". Ginawaran ko rin ito ng walang humpay na suntok ala FPJ "darna punch!"
"Darna upper cut!"
At ang pinaka huli "Darna head bat!"
Tumba ang kalaban at nag wagi ang kabutihan laban sa kasamaan. Muli nanamang nag wagi si Sailor moon laban sa kadiliman. "You’re my hero" ang wika ng dalaga sabay yakap sa akin. "Nasaktan kaba binibini?" ang tanong ko naman.
"Umpphh, hindi naman. Salamat sa iyo. How can i repay you? Pwede bang katawan ko nalang ang ipambayad ko?"
"Gaga! Di ako kumakain ng kauri! Dyan ka na nga!!" ang sagot sabay tulak dito.
"Wait. Hindi ka gay! Im sure! You’re just confused."
"Whatever, gagang to!!" sagot ko ulit at lumakad ako palayo sa kanya.
"Wait im Lesly, what’s your name boy?!" pahabol nyang tanong kaya naman nahinto ako at sumagot sa kanya. "Jose Sam Agapito, 22, Philippines!!"
At ito ang kwento kung paano ako naging kilabot ng mga kilabot sa aming compound. Halos ang lahat ay natuwa sa akin noong nabalitaan nila na ako ay nag ligtas ng isang dalagang malapit nang gahasain ng isang drug adik sa kabilang kanto at dahil dito ay nakikilala ang pangalang "Beki Gangster!"
"Ayan na si Pareng Jose!" ang wika ng mga sunog bagang tambay sa aming compound. "Oh bakit naman?" tanong ko sabay angat ng aking kamao sa kanyang mukha. "Ano ba yan pareng jose. Hindi ka naman mahipo. Gusto ka lang namin ayain sa inuman eh." katwiran naman ng mga ito. "Tanghaling tapat nag iinuman kayo. Mga sunog bagang to." sagot ko sabay lakad palayo.
"Aba yabang mo ah! Ano bang gusto mo?" at tanong ng kanilang leader at akmang susuntukin ako nito kaya naman mabilis akong umiwas. Wala akong inaksayang panahon ay isang malakas na suntok din ang ginawad ko sa kanyang mukha dahilan para matumba ito.
Dahil dito sabay sabay na nag tayuan ang mga sunog baga at isa isa silang nag sugudan patungo sa akin. Syempre di ako nag pasindak. "Pink Ranger power kick!!" sinipa ko ang mga ito. "Pink Ranger power punch! Upper cut!!" pinag susuntok ko ang mga ito. "Pink Ranger Flying Kick!!" sinipa ko muli sila na parang isang nag aalburutong kabayo.
Parang mga domino na tumumba ang mga sunog baga. kaya naman nag palak pakan ang mga taong nanonood sa paligid. Bet na bet ako ng buong barangay. Siguro ay natutuwa sila dahil ngayon lamang sila naka kita ng baklang bagsag ulo. Kaibihan sa mga beki doon sa kanto na walang ginawa kundi magpaganda ng mga anyo.
Sa pag lipas ng panahon, mas lalo pa akong nakikilala bilang "astig na beki ng taon".Madalas akong naging laman ng mga bakbakan ng kakalakihan at kababaihan (hehe) at siyempre ay taon taon din akong laman ng mga boxing ng mga bakla sa bayan at ni minsan ay hindi ako umuwing talunan. "Basag kung basag ang mukha ng mga bakla" kung minsan ay talaga namang halos isumpa nila ako sa sobrang pag ka inis sa aking ginagawa.
Maganda at naging astig ang aking buhay hanggang sa isang araw ay nakilala ko ang lalaking nagbago sa aking buhay. Ang pangalan nya ay si Joey. Siya nasa edad ng 23 at may katangkaran rin ito kagaya ko. Nakaka tuwa lamang dahil parang itinakda ng panahon ang aming pag tatagpo. Nag kakilala kami sa kabilang kanto kung saan ito binubugbog ng mga drug adik doon. Edi syempre pinag tanggol ko siya at ako ang nakipag sapakan sa kanila.
Sa pag lipas ng linggo, naging masaya at perpekto ang relasyon namin ni Joey. Ramdam ko ang kanyang pag mamahal at siyempre at ganoon din naman ako. I gave my all, wala akong tinira sa aking sarili. Pati laman ng aking pitaka ay nai alay ko na rin. Naalala ko pa nga, isang araw lumapit ito sa akin at niyakap ako. Halik dito at halik doon ang kanyang ginagawa hanggang ang gumapang ang aking kamay sa loob ng kanyang pantalon at doon ay kinapa ko ang kanya matigas na pag kalalaki. Syempre gumapang din ang kanyang kamay sa aking likuran at hinimas himas ang aking matambok na pwet. Ilang minuto rin nya itong pinipiga piga hanggang sa maramdaman kong pumasok ang kanyang kamay sa loob ng aking bulsa kung saan naroon ang aking pitaka. "Honey, may sakit si itay, tulungan mo naman ako." ang wika nito sabay halik sa akin.
Tila nahabag ako sa kanya ibinulong sa akin. Parang may kung anong bagay ang tumusok sa aking dib dib. "Ganoon ba? O sige heto ng pitaka ko. Ibili mo ng gamot ang tatay mo."
"Salamat honey. Hulog ka talaga ng langit sa akin."
"Wala iyon. Alam mo naman nagagawin ko lahat para sa iyo." ang sagot ko naman.
Syempre alam nyo na ang nangyari noong mga oras na iyon. Jugjugan portion na. Kamasutra mode kami ng jowa ko. Basta hindi na kailangan i kwento pa ang s*x scene namin kasi alam nyo naman na iyon. Ayun nga nakatuwad ako tapos siya ay parang hinete na kumakabayo sa akin ayyyy erase! erase!!
Lumipas pa ang ilang linggo sa buhay namin ni Joey, mas lalo pang nag igting ang aming samahan. Madalas kaming nag dadate. Sasakay kami sa tricicle siya sa loob ako sa side sick. Kakain kami ng barbe Q sa kanya ang laman at sa akin ang stick. At ito ang matindi, iinom kami ng alak, sa kanya ang alak sa akin naman ang pambayad. Pero ayos lang yon. Hindi ko lubos akalain na ang isang basag ulo na kagaya ko ay bigla mapapa amo ng isang mala anghel na nilalang na ito. Ngunit ang buong akala ko ay perpekto na ang lahat, mali pala ako dahil isang araw ay dumating ang matinding unos na susubok sa aming samahan.
Habang pauwi ako galing ng trabaho, namataan ko si Joey na may kasamang babae at sumakay ito ng taxi kaya naman sa sobrang pag tataka, nabuo ang ideya sa aking isipan na sundan sila. Halos kumabog ang aking puso sa sobrang kaba habang tinatahak namin ang daan kasunod ng taxing kanilang sinasakyan. Makalipas ang ilang minuto huminto ang taxi at bumaba ang dalawa sa isang mamahaling restaurant at doon ay kumain. At dahil nga ayoko ng iskandalo, pinilit kong ikinalma ang aking sarili habang hinihintay silang makatapos sa pag kain.
Inabot ng alas 4 ng hapon ang dalawa bago tuluyang sumakay ng taxi ang babae at bago iyon ay nag halikan pa sila. Ito na ang aking pag kakataon upang mag pakita kay Joey. Humanda siya sa akin! Sisiguraduhin kong mata lamang nya ang walang latay.
"Manloloko ka Joey! Ibinigay kong lahat para sa iyo! Tarantado kaaa! Manloloko!!" ang sigaw sabay tadyak sa kanya.
"Sandali lang babe, mag papaliwanag ako.Please!"
"Babe? hayop kaaa!!"
"Ayy honey pala! Let me explain!"
"Ang kapal ng mukha mo! At lakas ng loob mong lokohin ako! Tumakas kana! Lumayo kana dito dahil mag Susuper Saiyan na ako! Heto naaaa!!!" ang sigaw ko at inupakan ko ito ng ubod ng lakas. "Malakas ba? Wait! There is more!! b***h!!" ang galit ko kaya halos basagin ko ang mukha nito sa sobrang poot.
Iniwan ko si Joey na bugbog sarado sa gilid ng highway, at ako naman nag lakad palayo. Damang dama ko ang sakit at matinding kirot dulot ng huwad na pag mamahal. Lahat ay ginawa ko para lamang mahalin na ako ngunit hindi pa rin pala sapat iyon. Halos mag abot ang luha at uhog sa aking mukha noong mga sandaling iyon hindi ko namamalayan na mayroon palang mga grupo ng sunog baga naka sunod sa akin at sinamantala nila ang aking kahinaan. Hindi nila ako nirape noh, sana ay iyon na nga lang ang kanilang ginawa baka mas natanggap ko pa ngunit hindi, dahil lahat sila ay binubog ako at gumanti sa pang hihiya ko sa kanila ilang buwan na ang nakakalipas. At dahil nga masakit ang aking buong pag katao, hindi na ako lumanban pa. Hinayaan kong gawin nila ang kanilang gusto sa aking katawan. Suntok, tadyak, hampas ang aking inabot hanggang sa tuluyan akong nabuwal at nawalan ng malay. Iyon na ang huli kong natandaan..
Noong mag balik ang aking malay, nasa ospital na ako at doon ay nakita ko si Lesly ang babaeng tinulungan ko noong muntik na itong gahasain ng isang drug adik doon sa lumang bodega. Syempre takang taka siya kung paano ko sinapit ang kalbaryong ito kaya hindi naman ako nag dalawang isip na mag kwento sa kanya. "Grabe ka naman kasi bakla. Kung mainlove ka to the highest level agad. Daig mo pa si Mariah Carey kung mag "give my all" ka. Mabuti nalang natagpuan kita doon sa tabi ng dampsite kundi ay baka deadbols kana ngayon."
"Bruhang to, sinermunan mo pa talaga ako. Salamat ha iniligtas mo ako."
"Okay lang yan my dear beki. Amanos lang tayo. Iniligtas mo rin naman ako noon diba?"
"Oo nga. Kaso mas maganda ka noon. Kesa ngayon. Ang taba mo at yung fats mo ay naka usli."
"Ano ka ba bakla, ur so mean!! So paano frends na tayo ha."
Ito ang naging simula ng pag kakaibigan namin ni Lesly. Tanggap ko ang pagiging maarte at malandi niya katulad din ng pag tanggap nya sa aking pag katao. Tinulungan nya ako upang mabangon sa sakit na dulot ng nakaraan at siya rin ang nag silbing lakas ko upang mag simula muli. Utang namin sa isa’t isa anh aming mga buhay.
At sa pag lipas pa ng panahon, nakatagpo rin si Lesly ng lalaking mamahalin. Sila ay ikinasal at nag bunga iyon ng isang sanggol na babae. Kitang kita ko sa mukha ni Lesly ang kakaibang saya dulot ng kanilang pag iisang dib dib. Ngayon ko lamang ito nakitang suot ang kanyang matamis na ngiti. Ngunit tumagal lamang ng ilang buwan ang kanilang relasyon dahil kasamaan palad ay nasama ang kanyang asawa isang malawakan aksidente dahilan para sila ay maagang maulila.
Noong mga sandaling iyon ay ramdam na ramdam ko ang sakit ng pag tangis ni Lesly habang hawak ang mag iisang taong gulang na anak. At dahil sa matinding awa sa aking kaibigan, nabuo ang isang mahalagang pasya sa aking isipan. "Huwag kana umiyak, ako ang tatayong ama ng bata. Tutulungan kita upang palakihin siya ng maayos."
"Bakit mo ito gagawin? Bakit ka mag sasakripisyo para sa aking anak?" tanong ni Lesly habang umiiyak ito.
"Dahil gusto kong mag karoon ng direksyon ang aking buhay. Dati ay hindi ko alam kung saan ako tutungo at kung para saan nga ba ang aking buhay. Ngunit ngayon ay iba na dahil nag karoon ito ng kahulugan noong makilala kita. Naniniwala ako na may dahilan ang Diyos kung bakit maaga nyang binawi ang iyong asawa. Marahil ay ginawa nya lamang itong instrumento upang mag karoon ng tamang direksyon ang aking buhay. Ako ang tatayong ama ng bata at handa akong ibigay ang aking sakripisyo para sa iyo at para sa kanya."
Halos hindi makapaniwala si Lesly sa aking naging desisyon ngunit labis nya itong kinatuwa. At habang pinag mamasdan ko ang mukha ng kanyang sanggol na anak ay gumuguhit ang ngiti sa aking mga labi dahil alam ko na ito na ang simula ng bagong yugto sa aking buhay, hindi bilang isang "beki gangster" kung hindi bilang isang mabuting ama.
Dito nagwawakas ang liham ni Jose Carlo..
Itutuloy.