Part 28 "Good job every one! For the first time ay napasok tayo sa top 4 na pinaka outstanding na radio station! Maraming salamat sa mga effort ninyo at maraming salamat sa mahuhusay at dedicated nating mga DJs! Palakpakan!" ang wika ng aming boss na si Evelyn na hindi maitago ang labis na saya noong sabihin niya sa amin ang magandang balita. "At dahil diyan ay mayroon tayong dinner party mamaya!" ang wika ni Krishmar. "O sige, kung iyan ang gusto niyo pero kailangan makabalik ni Vincent dito sa radio station bago ang kanyang segment, kaya Vincent my darling, bawal mag lasing okay?" ang wika ni Evelyn palakpakan kami. "Ayos! Maisusuot na natin ang mga slutty dress natin na binili sa tiangge kahapon!" ang wika naman ni Anna sa mga babaeng DJs, tapos ay nagtawanan sila. "Pero alam niyo s