Part 27 "Ang kwento nina Franco at Ced ay maihahalintulad sa tag araw, kung minsan ay may dala itong kaligayahan at kung minsan naman ay matinding kalungkutan. Ngunit katulad ng kanyang sinabi, kahit gaano pa kahirap o kagaan ang sitwasyon ay sisikat at sisikat ang araw na magdadala ng panibagong pag asa sa ating mga buhay. Napakagandang kwento ng pag-ibig ang ibinahagi sa atin ng ating letter sender na s Franco. At tinitiyak ko na ang kwento niya ay tatatak sa ating mga puso at isipan, mahirap itong limutin lalo't naglalakip ito ng pinaghalo halong emosyon ng matinding saya, lungkot, kaba at takot. Ito ang mahalagang bagay na nagbigay ng kulay sa kanyang liham. "At para sa iyo Franco, hangad ko ang walang kapantay na kaligayahan sa pagitan ninyo ni Ced. Alam kong hindi smooth sailing an