Part 26 “Usually, pagkatapos ng buong kwento saka tayo nagbibigay ng comment at payo sa ating letter sender. Grabe, noong kumakain ako sa fast food kahapon ay may lumapit sa akin na isang listener at nagpapakwento siya kung ano ang susunod na mangyayari sa kwento ni Franco. Nauunawaan ko naman dahil talagang masyadong naging intense ang kaganapan kagabi gayon pa man ay masaya ako na nalalagpasan ng mga bida ang mga problem. Dito sa ikaapat na bahagi, mayroon pa bang pagsubok na naghihintay sa kanilang dalawa? Happy ending kaya ito? O baka matulad lamang sa kwento ng iba pang mga letter sender na naging trahedya at nauwi sa malalim na kalungkutan?" ang sunod sunod kong tanong para mas maganda ang pasok ng episodes. “Mga kaibigan, muli ko pong inihahandog sa inyo ang “HULING BAHAGI” ang kw