Part 23 “Ang pag ibig daw ay isang malaking trial and error, para itong examination na madalas tama o madalas ay mali. Ngunit gayon pa man ay paulit ulit pa rin tayong sumusubok dahil sa kakaibang sayang dala nito. Sino ba naman ang may ayaw maging maligaya? Sino ba naman ang may ayaw na pahalagahan siya? At sino ba naman ang may ayaw na siya ay mahalin? Marami pa rin sa atin ang paulit ulit na sumusubok at paulit ulit rin nabibigo dahil kung minsan, ang pag-ibig ay nagiging isang laro. “Magandang hating gabi po mga kaibigan, ngayon ay mapapakinggan natin ang isang mahabang sulat na ipinadala ng letter sender na si Franco at ito ay tatalakay sa kanyang kakaibang karanasan sa paglalakbay sa mundo ng pagmamahal. Ang lahat ng kanyang kaibiguan ay naipon at siya ay binansagang “Boy Epic Fail