Part 22 Dalawang araw ang lumipas at sumapit naman ang pinakahihintay ng lahat at ito ang pag guesting ko sa telebisyon. Noong 1990s ay hindi pa masyadong gamitin ang telebisyon, halos kaunti pa lang mayroong ganito sa ganitong bahay. Sa umaga ang talk show kaya naman 6am pa lang ay nandito na ako sa studio. Suot ko ang itim na leather Jacket na may puti v-cut na tshirt sa loob at pantalon na faded na maong. Nilagyan ako ng kaunting make up para hindi naman daw putla at maitim ang aking mukha sa monitor. Habang nasa dressing room ako ay nagdatingan ang iba't ibang mga DJ sa ibang mga radio station, isa na nga dito si DJ Sophie ng Silver Music FM, DJ Mock ng Mega Music FM at si DJ Lyka ng Happy Ending Romance. Mababait naman silang lahat dahil noong makita nila ako ay agad nila akong kina