Part 9
"Magandang gabi, ang segment na ito ay inaalay ko sa aking malalapit na kaibigan, sina Doktor Angelo Perez ng Angel Clinic, kay Mr. Robert Esquera at sa aking mga dating kaklase noong High School na masugid na nakikinig," ang bungad ko at dito ay pinatugtog ang themesong ng aking programa.
"Ngayon ay napaka espesyal na gabi dahil muli tayo makakapakinig ng isa na namang kwento ng pag ibig mula sa ating letter sender itatago natin sa pangalang "Potpot" isang businessman na nagmamay ari maraming bakery sa kanilang siyudad. Ang kaganapang ito ang nag inspired sa kanya upang maging successful at upang makagawa ng mga bagay na hindi niya akalaing magagawa niya.
"Ang pandesal ay isang simpleng pagkain sa umaga, masarap ito iterno sa mainit kape o kaya ay sa mainit na tsokolate o pwede rin sa pritong itlog. Iyan ang nakaugalian nating mga pinoy at kung minsan ay sinasabing hindi buo ang ating umaga kapag walang pandesal sa ating lamesa. Ngunit sino ba naman ang mag-aakala na simpleng tinapay na ito ay magbibigay ng isang mahalagang aral sa isang tao, isang aral at inspirasyon na hinding hindi malilimutan kailanman.
Dear Midnight,
Itago niyo na lamang po ako sa pangalang "Potpot" isang akong college graduate na ngayon ay isang successful na businessman. Sumulat ako dahil katulad ng iba ay nainsipired din ako sa mga letter sender na nagpapadala ng iba't ibang uri ng kwento. At naniniwala ako ang sa akin ay magbibigay rin ng inspirasyon sa lahat. Ang aking kwento ay naganap noong ako ay college student kung saan nakilala ko ang isang taong bumago sa takbo ng aking buhay. Ang kwentong ito pinamagatang kong "ang gwapong potpot vendor".
Maaga pa lamang ay naririnig ko na ang pag "potpot" ng bisikletang sinasakyan ni Lenard habang nag lalako ito ng pandesal sa kalsada ng aming subdivision. Pribado ang aming compound kaya’t paminsan minsan ay nahihirapan itong makapasok sa aming tinitirhan kaya naman ang kanyang benta ay naka depende sa mga gwardyang nag babantay sa guard house. Si Lenard ang panganay na sa limang mag kakapatid. Hindi ito nakapag tapos ng kolehiyo dahil kapos sila sa buhay kaya naman nauwi na lamang siya sa pag titinda ng pandesal o "potpot" kung aking tawagin. Maputi si Lenard, maganda ang pangangatawan dahil batak ito sa trabaho. 5’8 ang taas at nasa edad na 20 o 21. Maraming nag sasabi na kahawig daw nito ang artistang si Enrique Gil. Noong minsan ko itong makausap ay talaga naman humanga ako ng husto sa kanyang itsura bagamat masasabing kong hindi rin naman ako mag papahuli pag dating sa pa gwapuhan.
Halos mag kasing edad at makasing taas lamang kami ni Lenard at hindi rin ang kakalayo ang aming pangalan dahil Leo naman ang sa akin. Meant to be no? Hehe biro lang. Porket mag kasing edad, taas at hindi nag kakalayo ang pangalan ay meant to be na kaagad? hehe. Ang totoo nun ay hindi naman ako naniniwala sa kasabihang meant to be dahil naniniwala ako na tayo mismo ang gagawa ng paraan upang makamtam natin ang isang bagay. Pag hihirapan natin ito o mag lalaan tayo ng pawis o effort upang makuha ng lahat ng bagay na naisin mo. Iyan ang bagay na pinang hahawakan ko hanggang ngayon kaya naman AKO mismo ang gumawa ng paraan upang mapalapit sa taong aking nagugustuhan at iyon nga si Lenard.
Maaga pa lamang ay naka abang na ako sa gate ng aming bahay upang bumili ng pandesal na inilalako ni Lenard. Siyempre ay hindi ako bumibili sa iba, tangging sa kanya lamang at kadalasan sa eksena ay "keep the change" na lamang ang nangyayari. Ngunit sinasadya ko talagang hindi na kuhanin ang aking sukli dalhil nais kong ipandagdag na lamang niya ito sa baon ng kanyang mga kapatid at bilang pasasalamat ay dinadag dagan niya ng isa o dalawang piraso ang aking binili.
Habang nag aabang ako sa aming tarangkahan, narinig ko na ang pamilya na tunog ng bisikleta ni Lenard. "Pot pot" ang tunog ng maliit na trumpetang ginagamit niya upang makatawag ng mga bibili kaya naman agad ako lumabas ng gate upang parahin ito. "Tol, ikaw pala. Ang aga mong nagising ah." bati nito na may ngiti sa kanyang mga labi. Suot ng kulay pulang sweter natinernuhan sira sirang pantalon. "Oo, may pasok kasi ako. Kaya madalas itong pandesal at pancit canton na lamang ang kinakain ko bago pumasok." tugon ko naman habang ini aabot ang bayad sa 10 pirasong pandesal na aking binili. "Ang sarap naman pala ng agahan mo." biro nito habang naka ngiti pa rin na tila hindi na papagod sa kanyang ginagawa. Noong marinig ko ang salitang "agahan" dito na pumasok ang ideya sa aking isipan na imbitahin siya upang sumabay sa aking pag aalmusal.
Siyempre! Para paraan ang pag kakataon, sana lamang ay huwag siyang tumanggi. "Ahh tol, nga pala kung gusto mo pag katapos mong mag lako ng pandesal ay dumaan ka rito, sabayan mo akong mag agahan. Wala naman kasi sila mama kaya’t medyo nalulungkot akong kumain ng walang kasabay" ang nahihiyang alok ko. Ang arte lang, medyo exagirated na yata iyon hehehe. Lahat na sinabi ko para lamang mapa payag siya
Natawa tuloy ito ay ngumiti sa akin ng ubod ng tamis. "Sige ba, nakakahiya naman kung tatanggi ako. hehe, baka mag tampo ka at hindi kana bumili sa akin ng pandesal." sagot naman nito dahilan para lumundag ang puso ko sa tuwa.Kaya naman pag alis nya sa tapat ng aming tarangkahan ay agad akong nag tatakbo papasok ng kusina upang mag luto. Siyempre hindi lang pancit kanton ang lulutuin ko kundi isang heavy breakfast. Omelet, Tocino, Longganisa at hot chocolate. Nag labas din ako ng aking paboritong cheese pimiento upang ipalaman sa kanyang pandesal.
Makalipas ang ilang oras, muli kong narinig ang "pot pot" ng kanyang sasakyang dalawa ang gulong kaya naman agad akong lumabas ng gate para sunduin ito. "Aba mukhang naka ubos ka ah?!" bungad ko sa kanya. "Oo, swerte kasi ang nag buena mano eh." ang sagot niya dahilan para mapangiti ako. Naisip ko na ako yata ang unang bumili sa kanya kaya’t ako ang tinutukoy niyang swerte.
Ngunit maya maya ay nag salita ito muli. "Ang swerte talaga mag buena mano ni Lola Tasing. Yung matanda doon sa tabi ng guard house." wika niya dahilan para bumagsak ang metro ng aking happiness. "Aha, kung ganoon kalaban ko na rin pala si Lola Tasing ngayon!" ang sigaw ko sa aking sarili habang pumapasok kami sa loob ng bahay.
"WOW! ang dami naman nito. Ang akala ko ba ay pancit kanton lang ang kakainin natin? Parang piyestahan ah." gulat na wika nito noong makita ang aking inihandang agahan. "Eh, alam ko naman kasi na pagod kaka "potpot" kaya nag luto na ako ng mabigat na agahan." tugon ko.
"Naku tol, baka mawili na ako nyan ha." biro nito habang naka ngiti. "Edi, mawili ka. Ayos lang naman dahil espesyal ka para sa akin. Ang ibig kong sabihin ay iniidolo kita dahil hard working ka at napaka responsableng kuya sa iyong mga kapatid." palusot ko naman bagamat muntik na akong madulas. "Oh, nauwi na tayo sa pagiging hard working at ulirang kapatid ah. Baka mag kaiyakan pa tayo niyan hehe. Kumain ka na nga." ang tugon niya at siya pa mismo ang nag lagay ng ulam sa aking plato.
Habang kumakain ay pansin na pansin ko ang pagiging barako nito Nakataas ang isang paa sa bangko habang naka kamay na sumusubo. Kahit punong puno ang kanyang bibig ay gwapo pa rin ito at masarap titigan. Mukhang sa tingin palang ay busog na ako. hehe. "Nga pala tol, bakit "potpot" ang tawag mo sa pandesal?" tanong nito habang patuloy sa pag kain. "Kasi noong bata ako, natutuwa ako sa tunog kapag may nag lalako ng pandesal sa kalsada kaya naman agad kong tinatawag si mama o papa upang ibili ako ng "potpot". Ang totoo nun ay hindi ko alam na pandesal ang tawag sa tinapay na iyon kaya nag base lamang ako sa tunog ng inyong trumpeta. Mula noon tuwing makakarinig ako ng nag popot-pot sa kalsada ay lagi akong lumalabas upang bumili. At iyon na nga ang nakalakihan kong tawag sa pandesal "potpot." ang kwento ko dahilan para mag katawanan kami.
"Hahaha ganoon ba? Alam ko na tol. Simula ngayon ay "Pot pot" na ang itatawag ko sayo." ang wika nito habang tumatawa ng malakas. "Subukan mo lang, edi "Pot pot" na rin ang itatawag ko sayo tutal naman mag buhat ng makilala kita ay potpot naman talaga ang tawag ko sayo." tugon ko naman sabay dila sa kanya. At iyon nga ang naging set up namin. Simula noong araw na iyon ay potpot na ang tawag namin sa isa’t isa. Kung alam ko lamang na epektib pala ang pag iimbita sa kanya upang mag almusal edi sana ay noon ko pa ito ginawa upang mas ko siyang naging kaibigan bagamat higit pa doon ang nais ko para sa aming dalawa.
Sa pag lipas ng mga araw, mas lalo pang naging madalas ang pag kikita namin ni Lenard, tuwing umaga ay dito na siya dumadaan sa bahay upang kumain ng almusal o mag kape man lang. Iyon lang kasi ang kaya kong itulong sa kanya lalo’t bukod sa pag lalako ng pandesal sa umaga ay nag dagdag pa ito ng extrang trabaho sa hapon at iyon nga ang pag segway sa mga construction worker bilang helper. Damang dama ko ang hirap ng maaagang naulila sa mga magulang kaya’t hayan kayod buong mag hapon ang ginagawa nito para sa kanyang mga kapatid.
Isang araw naisipan kong mag dala ng pag kain at miryenda sa bahay nila Lenard, ngunit pag dating ko doon ay wala pa daw ito dahil nasa trabaho pa. Ang tanging naabutan ko lamang ay ang kapatid nyang kambal na sina Reymond at Reynan. Parehong nasa edad 11 at kasalukuyang nag aaral sa isang pampublikong elementarya dito sa kanilang barangay. Makwelang kausap ang dalawa at talaga namang hindi ko makabisado ang kanilang pag kakaiba. Si Reynan ang mayroong nunal sa ilalim ng labi at si Reymond ay wala. Si Reynan ang may peklat sa gawing sintido at si Reymond naman ang wala. Ilan lamang ito sa ginawa komg palatandaan sa kanila dahil kapwa sila pinag biyak na bunga.
Habang nasa ganoong pag kkwentuhan kami ng kambal, dumating naman si Lenard at laking gulat nito noong maabutan akong naka upo sa silya. "potpot ikaw pala, kanina ka pa ba? Pasensya na medyo marami kasing tinapos sa construction kanina kaya’t medyo ginabi ako. Hindi ka ba kunulit ng dalawang iyan?" ang tanong nito habang inaayos ang dalang pag kain sa lamesa. "May binili akong pancit at ulam dyan sa kanto, dito kana mag hapunan."
"Ayos lang pot, nag dala rin ako ng pag kain at miryenda dyan. Idagdag mo na upang mabusog tong mga bata. Libang na libang nga ako habang kinakausap ko itong kambal, halos hindi ko makita ang pag kakaiba sa kanila. hehe."
"Oo, makukulit ang dalawang iyan at walang tigil sa pag kkwento. Si Reynan ang peklat sa gawing noo dahil naaksidente ito noong bata siya. Nahulog sa hagdan kaya’t pumutok ang ulo. Si Reymond naman ang walang marka sa mukha. Wala rin itong nunal na palatandaan." paliwanag niya habang inaayos ang lamesa.
Sabay sabay kaming kumain ng hapunan at hanggang doon ay kapansin pansin ang kakulitan ng kambal. Maingay talaga ang dalawang ito at hindi nauubusan ng kwento. Doon ko rin napag alaman na pareho pala silang top students. Si Reymond na walang peklat o nunal sa mukha ang palaging top 1 sa klase at si Reynan naman ang top 2. Paminsan minsan ay nag papalitan lamang ng pwesto ang dalawang ito kaya naman nakasabit sa ding ding ng kanilang bahay ang maraming silver at gold medals na naipon nila mula pa noong grade 1. "Pot, medyo gabi na, ayos lang ba kung dumito ka nalang muna? Tutal araw naman ng Linggo bukas at wala akong trabaho sa pag lalako ng pandesal. Tabi na lamang tayo sa papag." ang alok ni Lenard. Ewan ko ba kung bakit bigla na lamang akong kinilig at kinabahan sa kanyang sinabi. "Ayos lang Pot, wala naman akong gagawin bukas." sagot ko at hindi ko maitago ang kasabikan na makatabi siya bagamat pinipilit kong ikalma ang aking sarili.
Matapos ang hapunan, bumili ako ng anim na boteng alak at mga chichiryang pulutan. At habang nag iinum ay palihim akong tumitingin sa mukha ni Lenard nanoon ay hindi maalis-alis ang ngiti sa kanyang labi. "Nga pala Pot, bakit hindi kapa nag kaka gf? Sa gwapo mong iyan malamang ay kahit babaeng aso ay hahabulin ka. Pero di ko naman sinasabing pumatol ka sa aso ha." ang biro nito.
Para naman akong binusalan noong mga oras na iyon. Hindi agad ako naka imik dahil totoo naman talaga na wala akong gf. Alam nyo naman kung bakit hehe. "Ah eh, pihikan kasi ako Pot. Alam mo na busy ako sa pag aaral dahil graduating ako. Mahirap na mag karoon ng gf dahil baka mabuntis ko pa iyon." ang biro ko naman.
"Haha bakit buntis agad? Ikaw ha. Kapag pala nag ka gf ka ay ikakama mo agad. Kung sabagay wala namang mawawala sa atin dahil mga lalaki tayo. Ang totoo nun ay madami na rin akong naging gf at hindi naman sa pag mamayabang dahil lahat ng iyon ay nai-siping ko. Mabuti na lamang dahil wala akong nabubuntis. Iyon nga lang ay buwan lamang ang itinatagal namin dahil inaayawan nila ko kapag tumagal na. Ang sabi sa akin ng isang ex gf ko ay hindi raw niya gusto ang aking trabaho dahil nahihiya siya sa kanyang mga kaibigan kapag binibiro siya na isang "pandesal vendor" ang kanyang kasintahan kaya naman siya na mismo ang nakipag hiwalay sa akin.
Ano nga bang magagawa e talaga namang pandesal vendor lamang ako at iyon lang ang kaya kong gawin. Marangal naman ito at wala akong tinatapakang ibang tao." ang malungkot na pag sasalaysay nito habang tumutungga ng alak.
Wala naman akong nagawa kundi lumapit sa kanyang tabi at tapikin ang balikat nito. "Ayos lang pot, ang mahalaga ay nakakatulong ka sa iyong mga kapatid. At para sa akin ay isa kang huwarang tao na dapat tularan. Gigising sa umaga at mag lalako ng pandesal sa kalsada, pag sapit naman ng hapon ay tatakbo sa construction site upang maging helper. Hindi biro ang iyong ginagawa sa buhay kaya naman napaka swerte ng taong iyong makakasama. Kalimutan mo na yung mga tao sa iyong nakaraan dahil hindi sila ang gagawa ng ating hinaharap, wala na silang kinalaman dito. Maaari lamang silang maging bayatan upang matuto tayo at maging mas malakas, pero sa huli ng ating pag lalakbay ay mapag tatanto mo na hindi sila ang kailangan mo. Kaya nga ang mata ay inilagay sa harap ng mukha upang ang hinaharap lamang ang makita mo." ang wika ko habang inihimas ang kanyang likod.
"Nakakalungkot lamang Pot, simula noong mawala ang aking mga magulang ay tila isinumpa na ako ng kalaparan upang maging malungkot at mag hirap ng husto. Minsan ay hindi ko na alam kung saan ako tatakbo o mag tatago. Para akong isang pako na itinago ang katawan ngunit nakalabas naman ang ulo kaya’t nahahanap pa rin ako ng problema at pag subok. Tila yata walang katapusan ito." ang patuloy na kalungkutan niya. "Tama na pot, ang mahalaga ay hindi ka sumusuko. Ganun naman talaga ang buhay, punong puno ito ng hamon. Sumuko ka man o lumaban ay mag tutuloy tuloy ito at mauubos ang oras. Chill lang pot. Nandito ako para sa iyo." wika ko naman habang niyayakap ito.
Halos tumagal ng ilang oras ang pang MMK na drama ni Lenard hanggang sa tuluyan itong tamaan ng kalasingan kaya naman nag pasya na kaming mahiga sa papag ng mag katabi. Noong mga oras na iyon ay amoy amoy ko ang pinag halong pawis at alak sa kanyang katawan, naka taas ang braso nito sa kanya noo dahilan para mas lalo pag humubog ang kanyang magandang katawan. Kitang kita ko rin ang kanyang maumbok na dib dib dahil wala itong saplot at tanging short naman na de garter ang suot. Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking isipan para tumagilid paharap sa kanya at pumikit bagamat paminsan minsan akong dumidilat upang masdan ang kanyang katawan.
Alas 2 ng madaling araw noong ako ay magising at laking gulat ko noong makita na naka tihaya pa rin ito ng higa habang naka baba hanggang hita ang kanyang salawal. Kitang kita ko ang kanyang mala saging na pag kalalaki habang nag tatas baba ang kamay nya dito. Ang tantiya ko ay nasa 6 na pulgada ito at talaga namang parang kabute o makopa ang ulo sa pula. Napapasinghap siya ng malalim sa tuwing bibilis ang bayo ng kanyang kamay.
Ewan, tila nag init ako sa aking napapanood ngunit nahihiya akong kumilos dahil baka mapahiya ito kaya naman tiniis ko na lamang ang aking sarili at ipinag patuloy ko ang pag sulyap sa kanyang ginagawang pag papaligaya sa sarili. Makalipas ang ilang minuto ay biglang tumilamsik ang malapot niyang katas, tumama ito sa kanyang tiyan at ang iba naman ay sumabog sa kanyang makapal na buhok sa ibaba. Hingal at malalim na pag hinga ang kanyang pinakawalan bago tuluyang bumangon at mag hugas ng sarili. Makalipas ang ilang minuto, muli itong bumalik sa aming higaan at bago tuluyang humiga sa aking tabi ay ini-ayos pa nya ang aking kumot.
COMMERCIAL BREAK.
“Mga kaibigan ito po ang part one ng ating kwento, dahil po gahol na tayo sa oras ay bukas na natin itutuloy ang karugtong ng kwentong “Ang Gwapong Potpot Vendor." Ako po muli si DJ Midnight na nag iiwan sa iyo ng isang magandang hating gabi. Ito po ang Dreame Romance.
Itutuloy..