Chapter 12

1052 Words
Chapter 12             Mga sumunod na araw na hindi muling nakita o nasilayan man kahit saglit ni Charlotte si Gray simula noong araw na magpasa ito, wala rin siyang balak kausapin ang binata at baka kong saan lang siya nito dalhin ng hindi niya alam ang dahilan. Kakatapos lang ng dalaga na manghiram ng mga libro para sa kanyang assignment at palabas na siya sa silid-aklatan ng hindi niya mapansin na may mabubungo pala siya sa kanyang daraanan.             Napaatras siya dahil sa pagkakabangga sa kanya ng kong sino, nalaglag din ang iilang hawak niyang libro, narinig niya ang malakas na mura ng isang lalaki, humarap siya sa nabangga niya, pero laking gulat niya kong sino ba itong ka harap niya, maliban kay Gray marami pa siyang taong iniiwasan sa paaralan na makaharap, lalo na ang mga bullies.             “Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo!” Sigaw nito sa kanya habang halos magkadikit na ang mga kilay nito, habang ang mga kasama nito ay nasa likuran, mga grupong mahihilig sa itim na bagay kahit na lalaki ay nag-lipstick ng itim para bang kumain ng pusit, meron pang mga eyeliner at may mga kulay itim na kuko dahil sa manicure nito.             Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Charlotte, naghanap siya sa kanyang paligid kong sino ang pwede niyang hiningaan ng tulong, pero wala siyang makita, “hindi ko naman sinasadya, isa pa marami akong dalang libro, sorry.”             “Sinara mo araw ko eh,” inis nitong saad sa kanya.             “Hindi ka ba nakakaintindi na hindi ko nakita, isa pa nag-sorry na ako kasi alam kong mali ko, hindi pa ba sapat ‘yon,” wika ni Charlotte.             “Hala may sumasagot na pala sa lider natin ah,” pang-aasar ng kasama ng mga maitim na grupo.             “Bwisit,” bulalas ng lalaking nabunggo ng dalaga, hahawakan siya nito sana nang mahinto ito na siyang pinagtaka ni Charlotte, na pansin niya ang mga takot sa mukha nito lalo na sa lalaking nabunggo niya, lagpas din sa kanya ang mga tingin nito at hanggang sa umalis ito na wala man ginagawa sa kanya o sinabi.             Tumingin siya sa likuran niya, laking gulat niya na andoon si Gray, doon niya napagtanto kaya pala umalis ang mga bullies dahil kay Gray at dahil ang binatang kaharap niya ngayon ang kinatatakutan ng lahat ng mag-aaral ngayon sa WA. Pero nagtataka siya kong nagkataon lang ba ang lahat.             “Maraming salamat, siguro kong hindi ka dumating baka kong ano nang ginawa nila sa ‘kin,” sabi niya sa binata.             Hindi umimik si Gray sa sinabi niya, bagkus kinuha nito ang mga nalaglag niyang libro dahil sa pagkakabungo, saka ito humarap sa kanya at inabot ang lahat.             ‘Welcome,’ Gray’s mouthed to her. Napangisi naman si Charlotte nang pinilit ni Gray na magsalita, pero tanging pagbuka ng bibig ang nagawa nito at wala siyang narinig na boses, pero naitindihan naman niya kong anong ibig sabihin ng binata. Hindi na lamang siya nagsalita at tumalikod na lamang ito, pinagmamasdan lang niya ang likuran ng binata na papalayo sa kanya, iniisip niyang hindi naman talaga masama ang binata at sadyang gano’n lang ang tingin nila dahil sa kakaiba nitong aura para sa lahat. Sinabi niya sa kanyang sarili na kikilananin pa niya lalo ang binata. ~*~             Pinag-aaralan ni Irene ang mga nakalapag niyang impormasyon tungkol sa kasong hinahawakan niya ngayon, pitong nawawalang tao ang hinahanap niya at kabilang doon si Thalia Marchan, may isang binata, isang English teacher, apat na dalaga at isang katulong. Lahat ng pamilya ng mga ito ay pinuntahan na niya, nagtanong-tanong kong ano ang mga relasyon nito sa bawat isa, pero hindi sila magkakamag-anak o magkakakilala man lang, pero may iisa silang pagkakapareho.             Ang limang na mga estudyanteng nawawala ay mga ST sa kanilang mga paaralan, ang guro naman ay nag-side line na tutor sa mga estudyante niyang bumabagsak, ang katulong naman ay wala masyadong mahanap na dahilan, basta ang lahat ay kinuhang tutor ng mga Cervantes para kay Hansen at nagmula pa sila sa iba’t ibang paaralan na pinaglilipatan ng binata. Ang lahat din ng mga nawawala ay nang galing sa mismong bahay ng mga Cervantes bago ito lubusang nawala, ‘yon ang pagkakaalam niya sa mga pamilya nito.             Na siyang sobrang pinatataka niya, anong dahilan? Bakit sila nawawala? Buhay pa ba sila? Na saan sila ngayon? Mga katanungan na nasa isip ni Irene sa mga oras na ‘yon habang nakaharap sa mga dokumentong nakuha niya, madali niyang nakuha ang mga impormasyon pero parang may kulang pa rin para masagot ang mga katanungan na ‘yon at para mabuo ang napakalaking puzzle sa isipan niya.             Isa lang ang nasa isip niya, si Hansen, ang misteryoso nitong katauhan, hindi niya maiwasang maghinala sa binata kahit unang beses pa lamang niya ito nakita, ang una niyang pumasok sa isipan niya ay pag-aralan ang kilos at katauhan ni Hansen para sa gano’n ay may mahanap siyang kasagutan sa lahat ng mga nangyayari.             Binitawan niya ang mga files sa kanyang lamesa at lumabas ng opisina, pupunta siya sa bagong paaralan ng binata sa Williams Academy para bantayan ang binata. Isang oras ang binayahe niya makarating lang sa WA at hapon na ng mga oras na ‘yon at isa-isa niyang pinagmamasdan ang mga nag-uunahang mga estudyanteng makalabas sa gate habang siya’y nasa loob ng kotseng nakaparada sa kabilang sidewalk.             Agad siyang umayos ng upo ng makita niya ang pamilyar na tao sa kanya, si Hansen, “bingo,” bulong niya habang nakangisi.             Napansin niyang palinga-linga ito sa paligid at walang kasama kahit na sino. Sumakay ito ng jeep na agad niyang sinundan, sa sandaling huminto ang jeep, bumaba ito sa isang sidewalk kong saan katapat ang isang paaralan sa elementarya at nakatayo lang ito pero pansin niyang may tinititigan ito sa may gate.             Nang sulyapan niya kong anong meron sa gate, isang matandang babaeng vendor ng mais habang may mga kasama itong bata, mga nakauniporme pa ang mga ito, marami rin naglalabas na mga bata pero nakatuon lang ang pansin niya sa nagtitindang babae at sa tatlong bata.             ‘Anong ginagawa niya dito? Ka kilala ka niya ang mga yan? Pero kong oo, bakit hindi niya lapitan? May kinalaman ba ito sa nangyayari?’ Mga katanungan sa isipan ni Irene, nang sulyapan niya ang binata sa dati nitong puwesto, hindi na niya nakita si Hansen, napasapo na lamang siya sa noo niya sa inis dahil nawala bigla ang binata ng hindi niya napapansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD