Chapter 13

1033 Words
Chapter 13             Dumating ang sabado at hindi inaasahan ni Charlotte ang malalaman niya sa pagdating niya sa bahay ng mga Cervantes, nakahanda ang mga bagahe nila Mrs. Cervantes at Tristan, lahat ay nakahanda pati ang katulong nila, maliban kay Gray na nakaupo lang sa sofa at walang pake alam sa mundong ginagalawan nito.             “Aalis na muna kami Charlotte, dahil ayoko naman na matigil ang pag-aaral ni Hansen, maiwan na muna siya rito habang wala kami, siya rin mismo ang magbabantay ng bahay dahil kasama namin si Maria sa pupuntahan namin, kailangan kasi namin pumunta sa pamilya ng kaibigan ko, importanteng importante lang, pasensya na Charlotte at biglaan ang lahat, pero wag kang mag-alala hindi rin naman matitigil ang pag-tutor mo kay Hansen dahil na andito naman siya,” paliwanag ni Mrs. Cervantes kay Charlotte.             “Naku ayos lang po ‘yon, wala naman po kayong kailangan ipaghingi ng paumanhin, naiitindihan ko po at baka nga po importante yan,” wika ni Charlotte.             “Ay naku, napakabait mo talagang bata, sige aalis na kami at hinihintay na kami ng sasakyan sa labas,” pagpapaalam ni Mrs. Cervantes.             “Mag-iingat po kayo,” sabi ni Charlotte.             Humarap naman si Mrs. Cervantes kay Gray, “anak hindi ka ba magpapaalam sa mama mo?” Tanong nito sa binata.             Pero hindi umimik ang binata, imbes na lumapit ito kay Mrs. Cervantes ng tumayo, dumiretso ito sa hagdan at patuloy lang sa pag-akyat, para bang si Charlotte ang nakaramdam ng hiya dahil sa inasta ni Gray, pero ngumiti lang si Mrs. Cervantes at nagpaalam muli.             Pinagmasdan muna ni Charlotte ang papaalis na kotseng sinasakyan nila Mrs. Cervantes saka niya sinara ang pintuan ng bahay, muling naging tahimik ang buong kapaligiran niya, umakyat siya sa hagdan at pumunta sa silid ng binata na tahimik lang itong nakamasid sa bintana.             “Hansen,” tawag niya sa binata na agad namang lumingon sa kanya, “pwede na ba tayong mag-umpisa sa leksyon natin?”             Tumango naman ang binata bilang pag-oo sa tanong niya.             Katulad nga ng dati magkakaroon muna sila ng quiz tungkol sa natutunan ng binata noong nakaraang leksyon nila bago sila magkakaroon ng bagong leksyon uli, sa pagkakataon na ito muling nakakuha si Gray ng mataas na marka sa kanyang binigay na pagsusulit.             “Ang galing mo talaga, sa tingin ko hindi muna man kailangan ng tutor, ipakita mo lang sa kanila na kaya mo,” wika ni Charlotte.             Wala pa rin itong imik sa kanya, huminga ng malalim si Charlotte.             “Alam mo bang madalas ka naming pagkwentuhan ng mga kaibigan ko, sa tingin ko nga hindi lang kami ang gumagawa n’un kasi talk of the town ka naman talaga simula nang dumating ka sa school,” tumigil si Charlotte at napansin niyang interisado si Gray sa ikwento niya kaya nagpatuloy siya.             “May ibang tawag din kami sa ‘yo lalo nong hindi namin alam na hindi ka pala nakakapagsalita, hindi ka namin kilala, ang tawag namin sa ‘yo ay Gray,” natawa naman siya nang hawakan ng binata ang buhok niya, “oo dahil sa buhok mo, doon kami bumasi, maraming natatakot sa ‘yo kasi kakaiba ka raw, para bang may hatid kang malas sa iba, pero sa tingin ko hindi ka naman gano’n, sadyang hindi ka lang namin kilala, hindi ka namin lubusan kilala.”             Doon niya nasilayang nakangiti ang binata, hindi ito nakangisi katulad ng madalas niyang makita, isang tunay na ngiti, “pwede bang Gray na lang itawag ko sa ‘yo, kong Hansen kasi parang tunog pagkain,” biro niya sa binata kaya lalong lumawak ang ngiti nito at tumango sa kanya bilang pag-oo. “Ok simula ngayon, Gray na itatawag ko sa ‘yo.”             “Gray tapos na ang leksyon natin, pwede bang mag-snack muna tayo, total wala kang katulong, ako na lang maghahanda para sa ‘yo,” sabi ni Charlotte.             Nagtaka ang dalaga nang ilabas ni Gray ang cellphone niya at mag-type ito, hinarap naman ito sa kanya pagkatapos mag-type ng binata.             Hansen: pwede bang ikaw lang ang tatawag sa ‘kin ni Gray? Kasi kong marami kayo, para namang ewan, at saka ikaw lang naman nakakakilala at nakakausap ako, kaya rin kita pinayagan na gano’n ang itawag sa ‘kin dahil kakaiba ka sa lahat.             Kumonot ang noo ni Charlotte sa nabasa niya, “paano muna man nasabeng kakaiba ako?”             Muling nag-type si Gray at pinakita kay Charlotte para ipabasa.             Hansen: hindi ko alam, ‘yon lang ang napapansin ko sa ‘yo.             “Ganun? Ok, sige na kumain na muna tayo,” yaya ni Charlotte sa binata.             Nang makarating naman sila sa kusina, agad silang naghanda ng mansanas, tinapay, strawberry jam, peanut butter at maiinum nila. Si Gray ang nagpalaman ng dalawang pares ng tinapay at si Charlotte naman ang naghiwa ng dalawang mansanas, pero sa paghihiwa niya hindi niya naiwasang mahiwa rin ang kanyang daliri.             Agad siyang napasinghal sa hapding naramdaman niya at nabitawan ang hawak na kutsilyo sa lamesa, “aray ko naman,” wika niya.             Nagulat din si Gray sa nangyari sa kanya, pero mas kinagulat ng dalaga ng kunin ni Gray ang kamay niya at hilahin siya papunta sa lababo para mahugasan ang kamay niya, ‘yon ang unang pagkakataon na hinawakan ni Gray ang dalaga.             Pagakatapos mahugasan ang kamay ng dalaga, pinag punas ni Gray ang damit niyang suot sa basang kamay ng dalaga na dumihan pa ng iilang dugo sa kamay nito, “teka marurumihan ‘yon damit mo tama na,” aniya ni Charlotte.             Pero hindi pa rin siya binitawan ng binata, hinawakan lang ang nasugatan niyang daliri ng dalawang kamay ng binata na animoy tinatago, pero wala namang nang nararamdaman na hapdi sa kamay si Charlotte, “ayos na ako wag kang mag-alala,” wika ng dalaga.             Sumulyap si Gray sa kanya, parang may gustong sabihin ito sa kanya pero hindi lang magawa ng binata, pero makikita niya sa mukha nito ang pag-aalala dahil sa nangyari sa kanya. Doon niya lubusang na kikilala ang binata na hindi ito kakaiba, na may kabaitan ito sa kapwa niya.             “Thank you Gray, ayos na ako, wala nang masakit,” muli niyang wika sa binata.             Saka lang siya nito binitawan, sa pagkakataon na ito si Gray na ang naghiwa ng mansanas, sabay silang kumain, pagkatapos ng kanilang maigsing pahinga sila’y muling bumalik sa kanilang leksyon, habang tumatagal lalong nagkakaintindihan ang dalawa, nakakaramdam na rin si Charlotte ng kaunting komportable sa binata pag-ito’y malapit sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD